Sino ang dapat mauna sa billing, si Pauleen o si JC?
June 18, 2006 | 12:00am
Pati press people naki-join sa billing issue ni JC de Vera sa White Lady. May nagsasabing wala itong (o ang kanyang management) karapatang magreklamo na nauna ang name ni Pauleen Luna at mas malaki ang mukha nito sa poster dahil mas naunang nagbida sa Blue Moon ang young actress. Sabi naman ng mga maka-JC, mas naunang nagbida sa TV ang young actor via Now & Forever (Agos).
Ang paliwanag ni Jun Lalin, ang buong layout ng poster ang kanyang inireklamo dahil iba sa napag-usapan nila ni Rochelle Monteverde-Teo. Halos di raw makita ang mukha ni JC dahil maliit and to think, isa ito sa tatlong bida. Sabi ni Jun, nag-promise si Rochelle na aayusin ang layout so, baka bigger picture na ng young actor ang makikita natin.
Pero, kay JC walang problema ang billing at layout at nagulat pa ito na may ganoong isyu. Hindi raw magiging daan yun para mag-away sila ni Pauleen na gaya niya, nag-effort para mapaganda ang pelikula.
"Basta kuntento ako sa career kot nabibigyan ako ng challenging role sa movie at TV. Sa Captain Barbell, ang ganda rin ng twist ng role ko as Tengs brother. Happy ako sa scenes ko with Richard Gomez at nakakadala sila ni Patrick Garcia. Natutuwa rin ako sa mataas naming rating. Sana, magtuluy-tuloy," pagwi-wish nito.
Dahil tapos na ang summer, pansamantalang mamamaalam si Chaka Doll at ang Kakabaka-Boo! Last episode na ng horror-comedy this Sunday.
Tampok sa finale episode sina Marvin Agustin as Vince, the nerd student na gumawa ng sexy robot na ginagampanan ni Maui Taylor. NITZ MIRALLES
Ang paliwanag ni Jun Lalin, ang buong layout ng poster ang kanyang inireklamo dahil iba sa napag-usapan nila ni Rochelle Monteverde-Teo. Halos di raw makita ang mukha ni JC dahil maliit and to think, isa ito sa tatlong bida. Sabi ni Jun, nag-promise si Rochelle na aayusin ang layout so, baka bigger picture na ng young actor ang makikita natin.
Pero, kay JC walang problema ang billing at layout at nagulat pa ito na may ganoong isyu. Hindi raw magiging daan yun para mag-away sila ni Pauleen na gaya niya, nag-effort para mapaganda ang pelikula.
"Basta kuntento ako sa career kot nabibigyan ako ng challenging role sa movie at TV. Sa Captain Barbell, ang ganda rin ng twist ng role ko as Tengs brother. Happy ako sa scenes ko with Richard Gomez at nakakadala sila ni Patrick Garcia. Natutuwa rin ako sa mataas naming rating. Sana, magtuluy-tuloy," pagwi-wish nito.
Tampok sa finale episode sina Marvin Agustin as Vince, the nerd student na gumawa ng sexy robot na ginagampanan ni Maui Taylor. NITZ MIRALLES
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended