Bongga ang gagawing awards night, parang sa Oscars, complete with a red carpet, ayon sa bagong prodyuser na hahawak nito, ang ARG Entertainment sa direksyon ni Bong Ferrer.
Gagawin itong isang reality presentation open at mapapanood sa TV ang lahat ng kaganapan dito simula sa pagi-screen ng mga pelikula ng mga myembro, hanggang sa gagawing deliberasyon at pagboto ng isang araw bago ang awards night. Sa pamamagitan nito, inaasahan ng lahat na manunumbalik ang tiwala ng tao sa PMPC bilang isang credible awards giving body, sa pagpili ng mga karapat-dapat na winners.
Inimport pa ng PMPC si Ruffa Gutierrez from Istanbul, Turkey para mag-host ng 22nd Star Awards for Movies na gaganapin sa June 30 sa Westin Philippine Plaza at mapapanood sa Studio 23 sa nasabi ring gabi sa ika-10:30.
Balitang $17,000 ang halaga ng gown na isusuot ni Ruffa. Tapatan kaya ng kanyang co-host na si Boy Abunda ang suot ni Ruffa?
Ang Club Mwah ang isa sa nire-recognize na mahusay mag-train ng mga entertainers for overseas employment. Katunayan, dito nagti-train ang Follies de Mwah, isang grupo ng mga world class entertainers na dinadayo ng mga manonood local man o foreign dahilan sa kanilang mga Las Vegas-inspired musicals na napapanood, Thursday, Fridays & Saturdays sa Club Mwah,
Nasa ika-6 na season na ang Bedazzled na may mga karagdagang numbers, isa ang Miss Saigon na gumagamit pa ng isang giant helicopter sa stage. Nasa pusod ng Boni Avenue, Mandaluyong City ang Club Mwah, sa ikatlong palapag ng The Venue Tower.
Tampok ngayong gabi ang isang married couple na ang katawan ay tadtad ng tattoo bilang simbolo ng kanilang pagmamahalan.
Watch nyo si Batman, si Dan Kish, na ang forte ay mga paniki na matagal niyang pinagaaralan. Isa itong bulag na nakakapamasyal sa buong siyudad sakay ng kanyang bisikleta.