Na-cut short man ang aming pamamasyal sa Disneyland nung linggo dahil sa ulan, natuwa naman kami para sa ating mga kababayan na nabigyan ng trabaho sa Disneyland. Ang iba sa kanila ay kasama sa ensemble habang ang iba naman ay mga empleyado ng theme park.
Kahit hindi maganda ang panahon nung Lunes ay pinilit pa rin naming makarating ng The Peak sa pamamagitan ng Peak Tram kung saan kitang-kita ang buong Hongkong.
Maraming magagandang lugar pa sana ang gusto naming puntahan pero hindi nakiayon ang panahon kaya nagtiyaga na lamang kaming mamasyal sa mga shopping centers.
Sa Disneyland ay nakilala namin ang isang Pinoy na si Glen Ferrer na nagtatrabaho sa Disneyland Hotel. Nangako ito sa amin na sa susunod naming pagbisita sa Hongkong Disneyland ay hindi na raw kami kailangang magbayad para sa entrance ticket basta ipaalam lamang namin sa kanya ng mas maaga.
Ang wedding episode ay tiyak na mangyayari ngayong Biyernes pero hindi nga lamang sigurado kung sino kina Jennifer at Nicole ang mas pipiliin ni Adrian. Kung si Nicole ang pipiliin ni Adrian, paano na lamang si Jennifer?
Samantala, ang ikalawang season ng Sa Piling Mo ay magsisimula sa Lunes, June 19 na sisimulan ng isang wedding scene. Kaninong kasal kaya ito? Abangan!