Magkahalong pagmamalaki at halakhak ang tanging reaksyon dito ni Dulce na minsan na ring tinuhog ang korona ng lahat ng international singing competition sa Asia and other parts of the globe dahil pangit mang pakinggan ang terminong funeral diva ay hindi niya maitatanggi na anumang oras siyang anyayahan to render a song sa wake ng kaanak ng kanyang friend ay hindi niya ito kailanman matanggihan.
"Ewan ko ba, talaga yatang kaladkarin ako. But there is a good explanation to this - for one alam ko naman na kahit na saang okasyon ako pakantahin ay hindi ko ito puwedeng ipagkait dahil hiram ko lang naman itong talinong ito," pahayag ng regular host ng 700 Club Asian Edition.
Naniniwala ang mahusay na singer na sa pamamagitan ng kanyang pag-aalay ng kanta sa isang yumao ay naibabahagi niya ang pag-ibig ng Panginoon.
"It is my way of sharing to the people the love, through my talent, kaya nga kahit ang usapan ay dalawang kanta lang, kung minsan ay ginagawa kong lima," dagdag pa nito.
Ayon sa singer, wala siyang inaksayang panahon at kapag kailangan niyang kumanta sa kahit na anong okasyon may budget o wala ay gagawin niya.
"Nobody knows na baka iyon lamang ang pagkakataon na maibabahagi ko sa kanila ang kagandahan at kabutihan ng Panginoon, kaya sinasamantala ko na," pagtatapos nito. ANDI GARCIA