"But natapos ko na ang medication ko, maintenance na lang. Natakot din ako dahil sabi ng doktor, frequent attacks can be bad for the brain, pwede akong ma-praning. Nun kasi nahuhuli pa ako ni Echo na di umiinom ng gamot ko," sabi niya.
Hindi naman nakaapekto ang mga nangyari sa career niya. Sinabi niyang may binabasa siyang script mula sa Regal Films. Excited siya dahilan sa makakatambal niya rito ang isang taga-GMA na hindi niya inaasahang maaaring mangyari dahil taga-ABS siya.
Ang ayaw lamang niyang gawin ay yung horror. May mga tinanggihan na siyang pelikula from Octo-Arts and even ABS CBN na ganito ang tema.
Ayaw na rin niya yung loveteam-loveteam dahil feeling niya ay naka-graduate na siya rito. Pati yung mga roles na kung saan ay pagmumukhain siyang kontrabida. Tulad nung role sa Maalaala Mo Kaya na kung saan ay makakatambal sana niya si Zanjoe Marudo. "Bratty ang role ko, eh ayaw ko nang balikan yung ganung image," paliwanag niya.
Ayaw na rin niyang tumanggap ng role na may kissing scene dahil feeling niya ay nababastos siya kapag ginagawa niya ito sa harap ng kamera. Kahit pa ang makakahalikan niya ay ang boyfriend niya in real life na si Jericho Rosales.
Ngayon isa pa rin sa aasikasuhin ni Heart ay ang kanyang singing na napabayaan niya. May offer siya to record in Malaysia. "For my age (shes 21) malayo pa raw ang aabutin ko kung mag-i-start ako ngayon," sabi niya.
Di rin kataka-taka kung mapaaway ito sa mga ka-myembro niya dahilan sa may pagka-anaconda raw ito. Pero, kapag kinokompronta siya ng manager ng grupo na si Lito de Guzman ay may I deny naman siya. Quiet din ito at dedma kapag tinatanong tungkol sa lovelife niya. Mas gusto niyang pag-usapan, ang bago niyang trabaho ang pagiging isang recording artist dahil lumabas na ang album nila ng grupo, ang "Bombera" na ipinamamahagi ng Galaxy Records. May show sila ng grupo sa September 25 grand opening ng Nay...Ruffles Hotel sa Angeles, Pampanga.