Ganundin ang isa pa nilang member na si Francis na iniwan ang kanyang trabaho sa callcenter ng Smart para maging fulltime musician.
Naglabas ng album ang MetaFour habang unti-unti silang nakikilala sa band circuit. Ang kanilang distinct sound at magandang music ang dahilan kung kaya sila umaagaw ng eksena sa mga nitespot. Nagsimula ang kanilang pagtutugtog noong college days nila, pero galing sila sa ibat ibang banda bago nabuo ang kanilang samahan.
In fairness, maganda ang kanilang kanta pag narinig nyo ang nilalaman ng kanilang album tulad ng "Give It To Me," "Friends," "Call Me," "In My Eyes," na smooth sailing ang dating.
Ang MetaFour album ay release ng Universal Records at ang grupo ay binubuo nila Donna (vocals), Francis (keyboards and vocals), MC (kahon and vocals), at si Ryan (guitar) na galing sa UP Conservatory of Music.
Hindi lang basta banda ang hilig nito kundi mga tipong pang underground group tulad ng UP Dharma Down, Sandwich, Urban Dub, Snow Patrol at Saosin na tipong rock-rakan talaga sa ingay.
"Its not just rock music but you should also listen to the message of the songs," paliwanag ni Inah.
Pero hindi lang rock song ang kinakanta ng banda ni Inah na Tilt na binubuo ito ng six girls sa kanilang school. Si Inah ang may hawak ng base guitar na may tatak na Ibañez at nagkakahalaga ito ng P9,000. Ang perang pinangbili niya ay galing sa kanyang saving mula sa mga guesting nito sa TV.
"Ayaw ko naman pong manghingi ng pera nahihiya rin ako syempre. Isa pa, gusto ko ring maging independent para ma-appreciate ko rin yung mga pinagtrabahuhan ko. Gusto ko kasing mahasa ng husto sa base guitar," sabi ni Inah na marunong ding tumugtog ng piano at violin.
At ang kanyang comment tungkol sa mga kabataan na iniiwan ang schooling dahil sa banda ay "Of course education is important but if you really have passion for music, why not? If you want to do something, you should ask the Lords guidance and blessing and work hard, sabi nga life is what you make it."
Isa pang gustong gawin ni Inah ay tumira sa Europe. Sa Europe niya gustong mamalagi, mag-aral, magtrabaho, at doon na rin niya gustong mag-asawa.
"Basta doon ko gustong mag-stay," sambit ni Inah.
Samantala, nagkulong pala si Inah sa bahay pagkatapos niyang mapanood ang trailer ng Kapag Tumibok Ang Puso...
"Nahiya po ako kasi pinagtitinginan ako ng mga tao. Enough na sa akin yung naririnig ko na sinasabi nilang anak ako ni Bong, pero yung nagbubulungan pa sila nasa-shock ako," paliwanag ni Inah, na kasama sa Kapag Tumibok... na palabas na sa Kamaynilaan sa June 14, under Imus Productions.