^

PSN Showbiz

Jericho, ilang beses munang tinanggihan ang ‘Pacquiao’ bago napapayag gawin

RATED A - Aster Amoyo -
Naglalakad kami sa loob ng Tiendesitas (along Ortigas Center) isang gabi nang aksidente naming makasalubong  ang dating singer-actress-TV host na si Mildred Ortega na mahigit 20 taon na rin naming hindi nakikita. 

Kaunting kamustahan at palitan ng cellphone numbers at saka kami naghiwalay. Nung isang Sabado ng hapon ay personal namin siyang pinasyalan sa kanilang bahay sa Acropolis. Napakaganda pa rin ni Mildred hanggang ngayon. Sumikat ito nung dekada ‘70 bilang singer-actress at nakagawa siya ng maraming pelikula.

Nasa gitna siya noon ng kanyang kasikatan nang kanyang talikuran ang showbiz para harapin ang buhay may asawa. Napangasawa niya si dating Col. Mitch Templo (na Heneral na nang ito’y magretiro) at nagkaroon sila ng dalawang anak na parehong lalake - sina John (30) na isang Entrepreneural Management graduate at si Michael (28) na isa namang New York-based lawyer.

Maaga mang tinalikuran noon ni Mildred ang showbiz ay naging visible pa rin ito sa telebisyon nang maging host siya ng Kapwa Ko, Mahal Ko, isang public service TV program kung saan siya namalagi sa loob ng 14 na taon. Bumalik din si Mildred sa pag-aaral sa Assumption College sa Makati kung saan niya tinapos ang B.S. Psychology.

Malaki ang agwat ng edad ni Mildred sa kanyang asawang si retired Gen. Mitch Templo pero hindi ito naging hadlang sa kanilang magandang  relasyon bilang mag-asawa. Nakita ni Mildred hindi lamang isang responsableng asawa kay Gen. Templo kundi nakita rin niya rito ang pagmamahal ng isang ama.  Nasa high school pa lamang si Mildred nang sila’y iwan ng kanyang sariling ama.

Maaga mang tinalikuran ni Mildred ang kanyang acting career, nagpatuloy siya sa pagkanta lalo na pagdating sa mga fund-raising programs. Sa pagnanais ni Mildred na makapaglingkod at makatulong, sinubukan niyang tumakbo sa pagka-konsehal sa unang distrito ng Quezon City pero hindi siya pinalad na manalo. 

Kaya nag-iisip na lamang siya ng ibang paraan para makatulong lalo na ngayong may kani-kanya nang propesyon ang kanilang dalawang anak. Si Gen. Templo naman ay nasa pribadong buhay na rin bilang Vice-President ng Filinvest. Nung panahon ni Pres. Fidel Ramos ay naging presidente ito ng IBC-13.

Sa loob ng tatlong taon ay naging moderator si Mildred ng Ugnayan sa Hotel Rembrandt at nagkaroon din siya ng public service talk show, ang Direct Line kung saan niya nakasama sina Atty. Rod Nepomuceno at Rene Sta. Cruz.

Kung maisasakatuparan lamang ni Mildred ang kanyang plano, gusto niyang magtayo ng isang foundation.
* * *
Niloloko namin ang sikat na salon owner at beauty expert na si Bambbi Fuentes na iiwan na niya ang salon business at siya’y mag-iiba na ng linya dahil sa kanyang pagiging active ngayon sa pagma-manage ng talents lalo na ang all-male dance group na Freemales. Pinasok na rin nito ang restaurant business at ka-partner niya ang mister ni Kris Aquino na si James Yap.

Nung nakaraang Biyernes ng tanghali, isa kami sa naimbitahan sa Mexican restaurant nina Bambbi at James na matatagpuan sa Esquinita along Sgt. Esguerra sa Quezon City para ipakilala ang pinakabago niyang talent, ang 19-year-old na si Tim Espinoza na isa rin sa mga miyembro ng DFreemales.  In fairness, napakasarap ng pagkain sa restoran nina Bambbi at James at nangako kami na isa kami sa magiging suki sa nasabing restoran.

Samantala, maganda ang PR ng bagong alaga ni Bambbi na si Tim.  Kahit first time pa lamang niyang nakita at nakilala ang mga naimbitahang press ay magalang niyang nilapitan ang mga ito para batiin considering na sa Amerika (San Diego, California) siya ipinanganak at lumaki.

Bata pa man si Tim ay hilig na talaga niya ang sumayaw.  Nag-audition umano siya noon sa Bayanihan Dance Troupe pero hindi siya pinalad na matanggap pero hindi umano siya nawalan ng pag-asa. Noong isang taon sa kanyang pagbabakasyon sa Maynila ay nalaman niya ang audition para sa bagong grupong Freemales at isa siya sa sumubok. Suwerte naman at nakalusot siya.

Ang kanyang pagiging member ng Freemales ang naging daan niya para naman siya mapasama sa isang digital movie, ang Jupit na pinamamahalaan ni Alvin Fortuno.  Si Tim bale ang lead actor ng nasabing pelikula.

Sina Cesar Montano at Kris Aquino ang dalawa sa kanyang mga hinahangaang artista ay pangarap niyang makatrabaho balang araw. 

Regular na napapanood si Tim sa Close Up to Fame ng ABS-CBN bilang isa sa mga back-up dancers.
* * *
Hindi kaya pinagsisihan ni Jericho Rosales kung tuluyan niyang tinanggihan ang napakalaking proyektong Pacquiao, The Movie nang una itong ialok sa kanya ni Mommy Rose Flaminiano ng FLT Films?  Naging persistent lamang ang lady producer na si Mommy Rose dahil si Jericho talaga ang choice nila ni Manny Pacquiao at ng director na si Joel Lamangan para gampanan ang papel ng boxing hero na si Manny Pacquiao.

Aminado si Jericho na talagang ninerbiyos siya sa laki ng project kaya niya ito unang tinanggihan. Pero kung nagkataon na naibigay sa iba ang naturang proyekto ay baka pinagsisihan ito ni Jericho.

Ngayong tapos na ang pelikula at malapit nang ipalabas, very proud ang boyfriend ni Heart Evangelista na ito’y kanyang ginawa.

Aminado si Echo na ito ang pinakamalaki at pinakamahirap na  pelikulang kanyang ginawa na siya ang nasa title role. 
* * *
E-mail: [email protected]

BAMBBI

FREEMALES

ISANG

KANYANG

MILDRED

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with