Bukod sa Pacquiao, sinimulan na ni Jay ang isang indie film at nakapagsyuting na ng tatlong araw pero, di natuloy dahil sa kakapusan sa budget ng prodyuser.
Sa interview, tinanong namin ang actor kung nanakit na ba ito ng babae sa tunay na buhay.
"Nakasampal na ako ng babae dahil na-provoke ako at hiniya kaya nagawa ko ito pero, kaming dalawa lang ang magkasama at walang nakakakitang ibang tao," aniya.
May negosyo si Jay kung saan kasosyo ito sa isang restoran.
Wala siyang ginagawang pelikula ngayon kaya after ng Pacquiao The Movie ay lagi lang nasa bahay ang aktor. Kahit may album nang nagawa ang grupo nilang Barako Boys ay di na nasundan ang kanilang album kaya nakatengga rin ang singing career nito.
Hindi kaya ito pagbabadya na lilipat na sa Dos ang kanyang mga alagang Sexbomb Dancers? Paano na ang Daisy Siete na nasa Channel 7? Tanong ng mga kapatid sa hanapbuhay.
Katunayan, kasama siya sa bagong youth oriented show titled Posh sa QTV-11 kaya excited na ito. Makakasama niya rito sina Gian Carlos, Iwa Moto at iba pa.
Kahapon ay guest din ang magandang young actress sa Gigsters ng SOP.
Idol niya si Angel Locsin dahil nababaitan siya sa aktres. Gusto rin niyang tularan ang idolong aktres pag-dating sa pagpupundar ng mga kabuhayan.
Gusto pang mahasa sa pag-arte ni Rea kaya nag-undergo ito ng acting workshop sa PETA.
Pinalitan naman ni Rustom Padilla si Ogie Alcasid sa papel na Ada. Pumayag lang ito dahil ang bida ay si Zsazsa.
Higit sa lahat, nawalan na ito ng respeto sa manager kung saan mag-isa raw rumaraket nang di ipinaaalam sa taong humahawak ng kanyang career.