Sabi ng iba, mukhang anorexic na ang actor. Bukod sa payat talaga siya, humpak na ang kanyang pisngi.
Kaya naman pala, masyadong seryoso si Marvin sa kanyang diet. Kadalasan, soup and crackers lang ang kinakain niya. Inobliga niya pa ang caterer sa shooting na brown rice lang ang kanyang kanin. Kaya naman naghahatid ng pagkain sa shooting, nagluluto pa ng bukod na red or brown rice para kay Marvin.
Kapag kainan naman, halos kalahati lang ang nauubos niya sa one cup ng brown rice.
Sa mga shooting breaks, nag-iisa lang si Marvin sa kanyang kuwartong aircon doon sa location ng Oh My Ghost sa may La Loma, Quezon City. Ang sabi pa si Marvin mismo ang nagbabayad ng upa ng kwarto para mabigyan siya ng air-conditioning unit at maging comfortable during shooting breaks.
Sa Oh My Ghost, si Rufa Mae Quinto ang lumalabas ng title role. Isa siyang rape victim at ang kanyang mga rapists ay sina Paolo Contis at Uma Khoumy.
Namatay si Rufa Mae at naging isang multong nagpapakita, halos sa malaking bahagi ng pelikulang dinirek ni Tony Y. Reyes.
Ang Brokeback Mountain ang siyang tinanghal na Best Film sa 2005 Venice Film Festival.
Bida sina Heath Ledger as Ennis at Jake Gyllenhaul as Jack. Ang madramang istorya ng Brokeback Mountain ay naganap noong 60s. Ang lahat ng kanilang ligayat lungkot sa maraming taon at kung paano tumagal ang kanilang relasyon ay matibay na patunay sa isang dakilang pag-ibig.
Kung nais ninyong ulit-uliting panoorin ang Brokeback Mountain sa inyong mga bahay, bumili ng DVD o VCD nito sa mga Viva Video outlets.
Sabi nga ng actress, hindi man lang naka-first base ang panliligaw sa kanya ng chickboy noon.
"Paano ko naman siya papatulan alam kong lima kaming sabay-sabay na gusto niyang makuha that time," natatawang sabi ni sexy. "Lalo pa ngayong hindi niya ako makukuha. Baka mayaman pa ako sa kanya at ang gusto o yong tototohanin ako at marami talagang pera."
Hindi na tuloy nakaporma ang chickboy at pinagtawanan na lamang siya ng mga kapwa artistang nakarinig sa mga sinabi ni sexy.