Iniwan ang magagandang trabaho para kumanta
June 10, 2006 | 12:00am
Palagay namin hindi maiiwasan ng isang artista, lalo na at magandang kagaya ni Jennylyn Mercado ang magkaroon ng isang stalker. Una kasi, exposed sila sa publiko, at mapipili mo nga ba ang mga taong makakaharap mo? Ikalawa, medyo lantad sa publiko ang kanilang buhay, at madaling maghanap ng kanilang mga telephone numbers. Minsan nga magugulat ka, yong mga hindi naman taga-showbusiness alam kung saan mako-contact ang mga artista. Mas may impormasyon pa nga sila kung minsan.
Ang mga artista ay karaniwang biktima ng mga stalkers, kasi nga alam naman ng mga yon na wala sila halos chance kung manliligaw sila ng harapan sa isang artista, kaya nga siguro out of frustration, nagiging mga stalkers na lang sila.
Huwag kayong magtatawa, pero hindi lang mga babae. Kahit na nga mga artistang lalaki nagkakaroon ng mga stalkers. Ang kailangan nga lang, alam nila kung papaano ang approach para maiwasan ang mga stalkers na iyan. Kahit na sino pang eksperto sa tililing ng utak ang tanungin ninyo, nakakakuha ng kasiyahan ang mga stalkers na yan kung alam nila na affected sa kanilang ginagawa ang kanilang biktima. Kaya ang pinakamabuti sanang paraan, ipakita ng biktima na hindi siya apektado sa ginagawa ng kanyang stalker.
Sina Donna, Francis, MC at Ryan ang bumubuo ng bagong grupong kung tawagin ay Metafour. May sarili na silang album ngayon, na self titled din.
Magaganda ang kanilang mga kanta, lalo na ang kanilang ginawang revival ng kantang "I Just Cant Stop Loving You," na pinasikat ni Michael Jackson noongaraw.
Pero ang nakatawag sa aming pansin ay ang katotohanan na iniwan ni Donna ang kanyang profession bilang isang teacher, at si Francis naman ay nag-resign sa kanyang trabaho sa isang malaking call center, kahit na nangangahulugan yon ng malaking sakripisyo para lamang mabigyang daan ang kanilang hilig sa musika.
Inamin nilang mahirap ang buhay ng isang musician,dahil naka-depende ka kung may tugtog kayo o wala. Pero palagay namin sa husay ng kanilang grupo, darating ang isang araw na mapapatunayan din nilang tama ang kanilang desisyon na iwanan ang kanilang trabaho, para bigyang daan ang hilig nila sa musika.
Ok lang daw sana sa isang baguhang male star ang pakikipag kaibigan sa kanya ng isang bading na matinee idol, pero may nag-warning sa kanya na oras na makipagkaibigan siya sa bading na matinee idol, hindi magtatagal at darating na rin sa buhay niya ang isa pang bading na aktor na naka-relasyon din ng bading na matinee idol noong araw. Natakot doon ang baguhang male star.
Ang mga artista ay karaniwang biktima ng mga stalkers, kasi nga alam naman ng mga yon na wala sila halos chance kung manliligaw sila ng harapan sa isang artista, kaya nga siguro out of frustration, nagiging mga stalkers na lang sila.
Huwag kayong magtatawa, pero hindi lang mga babae. Kahit na nga mga artistang lalaki nagkakaroon ng mga stalkers. Ang kailangan nga lang, alam nila kung papaano ang approach para maiwasan ang mga stalkers na iyan. Kahit na sino pang eksperto sa tililing ng utak ang tanungin ninyo, nakakakuha ng kasiyahan ang mga stalkers na yan kung alam nila na affected sa kanilang ginagawa ang kanilang biktima. Kaya ang pinakamabuti sanang paraan, ipakita ng biktima na hindi siya apektado sa ginagawa ng kanyang stalker.
Magaganda ang kanilang mga kanta, lalo na ang kanilang ginawang revival ng kantang "I Just Cant Stop Loving You," na pinasikat ni Michael Jackson noongaraw.
Pero ang nakatawag sa aming pansin ay ang katotohanan na iniwan ni Donna ang kanyang profession bilang isang teacher, at si Francis naman ay nag-resign sa kanyang trabaho sa isang malaking call center, kahit na nangangahulugan yon ng malaking sakripisyo para lamang mabigyang daan ang kanilang hilig sa musika.
Inamin nilang mahirap ang buhay ng isang musician,dahil naka-depende ka kung may tugtog kayo o wala. Pero palagay namin sa husay ng kanilang grupo, darating ang isang araw na mapapatunayan din nilang tama ang kanilang desisyon na iwanan ang kanilang trabaho, para bigyang daan ang hilig nila sa musika.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended