At doon daw napabilib ang komedyana sa ginawa ni Jun dahil iisa lang ang ibig sabihin, hindi ito interesado sa assets niya.
"Kaya siguro ako pinigilan din ni Ama (Boy Abunda) na magpakasal kasi akala niya, hindi pa pumipirma ng pre-nuptial si Jun, e, napapirma ko na," paliwanag ng komedyana sa presscon ng Kapag Tumibok Ang Puso (Not Once but Twice) ng Imus Productions.
Ipinaliwanag din sa amin ni Ms. A na kapag naikasal na sila ni Jun at anuman ang naipundar niya at laki ng kinikita niya ay wala pa ring makukuha ang asawa, "Kaya nga gusto kong magkaroon kami ng mga anak para don mapupunta kung anumang shares meron ang mga anak ko."
Sa madaling salita, anuman ang kinikita ngayon ni Jun sa trabaho niya ay yun lang ang kanya at kahati pa ang magiging asawa na niya na si Aiai.
At kung pahihintulutan ay sa Casa de San Miguel sa Mandaluyong gustong magpakasal ni Aiai at ilang showbiz friends lang daw ang imbitado dahil ayaw niya ng karnabal dahil ang magiging asawa niya ay, "Naku, sobrang mahiyain."
Dahil bata si Jun, "Puro lang kami tawanan at biruan, syempre ano ba naman ang pwede niyang i-share sa akin, e, bata pa yun at wala pang gaanong experience kumpara sa akin. Kaya admittedly, hindi kami ganun ka-level when it comes to usapan, pero naga-adjust siya at okey siya, mabait at wala na akong makikitang ganun," katwiran ni Aiai.
Samantala, base sa trailer ng pelikula na nag-action sina Aiai at Bong Revilla, Jr ay ala- Mr. and Mrs. Smith. Kwela at halos iisa ang sinabi ng mga nakapanood ng trailer, "Si Aiai ang nagdala ng pelikula."
Kaya pala walang dapat ika-insecure si Aiai kay Precious Lara Quigaman dahil, "Panoorin nila yung movie at malalaman nila kung bakit," biting sagot ni Ms. A.
"Mahal ko pa rin si Ynez, kasi seven years kaming nag live-in at hindi naman ganun kadaling kalimutan yun, pero hindi ko nakikita yung sarili kong maging kami kasi nasubukan na namin, pero hindi nag-click," paliwanag ng character actor.
Adviser at consultant ang role ni Mon ngayon sa buhay ni Ynez dahil nga may problema ito sa sarili niya.
Ngayon ay may idini-date siyang showbiz girl na ayaw niyang i-reveal ang name dahil baka raw ma-preempt at higit sa lahat, medyo bata pa ang girl sa edad na 20 years old kumpara kay Mon na 39 years old na.
"Saka nyo na malalaman, huwag muna ngayon," natatawang sambit ng matandang binata para sa amin.
At dahil sa traumang inabot sa pagkasunog ng 22nd Street Comedy Bar ay lahat na ng klaseng insurance ay binili na niya para sa business niya dahil, "Ayoko nang maulit pa kasi hindi rin naman biro yung perang ginastos namin para sa pampatayo uli nung bar.
"Ewan ko ba, sa rami ng ginagawa naming magkapatid, nakalimutan naming ipa-insure yung bar, kaya ngayon, lahat ng insurance, pinalagay ko na," natawang kwento pa ni Mon.
At pinaghahandaan ng magkapatid na Mon at Kai ang 10th year anniversary ng 22nd Street Comedy Bar sa June 30 at pramis niya sa mga pupunta, hindi raw magsisisi dahil sangkaterba ang guest performers nila. Reggee Bonoan