Inah, pinagsabihan ni Bong dahil sinasabi sa mga interviews na may crush siya kay Dennis Trillo
June 9, 2006 | 12:00am
At 16, ordinaryo lang sa isang tulad ni Inah Revilla na magkaron ng crush. Ang hindi ordinaryo ay nang-mag-react ang kanyang daddy na si Sen. Bong Revilla at pagsabihan siya dahilan sa sunud-sunod o magkakasabay na paglabas ng mga interviews niya na kung saan ay sinabi niyang may crush siya kay Dennis Trillo. Flattered pa naman ang aktor nang malaman ito.
"Hindi naman siya nagagalit. Akala lang niya it was something serious. Pero, sa totoo lang, naku-cute-an lang ako kay Dennis. Ang galing niyang umarte, walang ka-effort-effort, natural," anang magandang teener who can only make movies during school breaks.
After Kapag Tumibok Ang Puso (Not Once But Twice), mga 10 buwan na naman siyang di makikita. Magku-concentrate siya sa kanyang studies sa La Salle Zobel where she will be graduating from high school.
Di lang naman si Dennis ang crush na ini-introduce sa latest movie ng dad niya na kung saan ay makakapareha nito for the first time si Ms. International Lara Precious Quigaman at Aiai delas Alas. May crush din siya sa kaedad niyang si Gerald Anderson, isang PBB Teen finalist.
"Kinapalan ko ang ang face ko at nagpakilala ako sa kanya nang ma-meet ko siya sa hallway ng ABS CBN. Cute din siya," anang magandang teener.
Kasama rin sa nakakatawang pelikula na dinidirihe ni Wenn Deramas sina Eugene Domingo, DJ Durano, Ketchup Eusebio at marami pang iba.
Sinabi ni Bea Alonzo na di niya kinailangang makipag-usap kay Heart Evangelista dahilan lamang sa pagkakaron nila ng lovescenes ng boyfriend nitong si Jericho Rosales sa Pacquiao, The Movie ng FLT Films at Star Cinema.
"Pareho naman kaming artista at alam naming trabaho lang ang lahat, wala kaming dapat ihingi ng permiso.
"If youre referring to the fact na dati ay may gap kami ni Heart, matagal na namin itong na-resolve, bago pa ang Pacquiao kaya wala kaming naging problema," aniya.
Sinabi ni Bea na itinuturing niya ang movie na isa sa pinaka-mahirap na ginawa niya. Di lamang dahil physically exhausting ito, she had to shoot in Gen San where the Pacquiaos live at pumunta ng Las Vegas na kung saan ay ginawa ng laban ni Pacquiao.
At the time kasi ay may ginagawa akong movie bukod pa sa mga guestings ko sa TV. Kailangan naming madaliin ito para umabot ang film sa kanyang playdate. Pero, its all worth it, maganda ang pelikula at napakalaki."
Bea portrays the role of Jinky, Pacquiaos wife. Kinailangan niyang kausapin ito para mapag-aralan niya ang mga kilos nito at magawang maganda ang portrayal niya.
Binago na ang name ni Alvien Cano, kasalukuyang Ginoong Pilipinas 2006. Si Ken Silvero na siya at tampok sa Sikil, isang digital film ng Journey Pictures Prod.
Hindi siya nakuha sa pelikula dahilan sa kanyang titulo, dumaan din siya at nakapasa sa audition na ibinigay ng produksyon kasama sina Marty Mendoza at Corrine Concepcion. Sa kasalukuyan ay dumadaan silang tatlo sa isang matinding workshop bilang paghahanda sa pelikula.
May mga kailangan pa ring gaganap sa ibang roles para sa digital movies. Kung 10-12, 18-21 yrs. old, babae at lalaki, at 4 yrs. old na babae kaya at marunong umarte, may audition na gaganapin bukas, (June 10) at Lunes (June 12), mula 1NH sa 103 Kamuning Rd, Kamuning, QC, katabi ng BPI Family Bank. Magdala lamang ng biodata, resume at pictures. Pwedeng tumawag sa 4130025/4132370 at mag-txt sa 09176115760, hanapin si Byuti Veloso.
"Hindi naman siya nagagalit. Akala lang niya it was something serious. Pero, sa totoo lang, naku-cute-an lang ako kay Dennis. Ang galing niyang umarte, walang ka-effort-effort, natural," anang magandang teener who can only make movies during school breaks.
After Kapag Tumibok Ang Puso (Not Once But Twice), mga 10 buwan na naman siyang di makikita. Magku-concentrate siya sa kanyang studies sa La Salle Zobel where she will be graduating from high school.
Di lang naman si Dennis ang crush na ini-introduce sa latest movie ng dad niya na kung saan ay makakapareha nito for the first time si Ms. International Lara Precious Quigaman at Aiai delas Alas. May crush din siya sa kaedad niyang si Gerald Anderson, isang PBB Teen finalist.
"Kinapalan ko ang ang face ko at nagpakilala ako sa kanya nang ma-meet ko siya sa hallway ng ABS CBN. Cute din siya," anang magandang teener.
Kasama rin sa nakakatawang pelikula na dinidirihe ni Wenn Deramas sina Eugene Domingo, DJ Durano, Ketchup Eusebio at marami pang iba.
"Pareho naman kaming artista at alam naming trabaho lang ang lahat, wala kaming dapat ihingi ng permiso.
"If youre referring to the fact na dati ay may gap kami ni Heart, matagal na namin itong na-resolve, bago pa ang Pacquiao kaya wala kaming naging problema," aniya.
Sinabi ni Bea na itinuturing niya ang movie na isa sa pinaka-mahirap na ginawa niya. Di lamang dahil physically exhausting ito, she had to shoot in Gen San where the Pacquiaos live at pumunta ng Las Vegas na kung saan ay ginawa ng laban ni Pacquiao.
At the time kasi ay may ginagawa akong movie bukod pa sa mga guestings ko sa TV. Kailangan naming madaliin ito para umabot ang film sa kanyang playdate. Pero, its all worth it, maganda ang pelikula at napakalaki."
Bea portrays the role of Jinky, Pacquiaos wife. Kinailangan niyang kausapin ito para mapag-aralan niya ang mga kilos nito at magawang maganda ang portrayal niya.
Hindi siya nakuha sa pelikula dahilan sa kanyang titulo, dumaan din siya at nakapasa sa audition na ibinigay ng produksyon kasama sina Marty Mendoza at Corrine Concepcion. Sa kasalukuyan ay dumadaan silang tatlo sa isang matinding workshop bilang paghahanda sa pelikula.
May mga kailangan pa ring gaganap sa ibang roles para sa digital movies. Kung 10-12, 18-21 yrs. old, babae at lalaki, at 4 yrs. old na babae kaya at marunong umarte, may audition na gaganapin bukas, (June 10) at Lunes (June 12), mula 1NH sa 103 Kamuning Rd, Kamuning, QC, katabi ng BPI Family Bank. Magdala lamang ng biodata, resume at pictures. Pwedeng tumawag sa 4130025/4132370 at mag-txt sa 09176115760, hanapin si Byuti Veloso.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended