Kaya nga nang pumasok sa telebisyon si Sen. Bong Revilla at gumawa ng sitcom, sinasabi maging ng mga kritiko na tama ang kanyang desisyon. Comedy naman yon eh, samantalang ang mga pelikulang ginagawa niya ay action. Totoong magagamit ang kanyang popularidad bilang isang aktor para mapalakas ang kanyang tv show, pero naroroon pa rin naman ang pananabik ng mga tao sa kanyang pagiging isang action star, kaya nanonood pa rin sila ng kanyang mga pelikula.
Pero sinira niya ang rule. Gumawa siya ng isang pelikulang comedy-love story, ang Kapag Tumibok Ang Puso. Ano ang inaasahan niya, samantalang may sitcom siya sa TV?
Simple lang naman ang sagot diyan ni Senador Bong, naniniwala siya na sa panahong ito, ang kailangan ng mga tao ay relief. Mahirap ang buhay at hindi mo naman masasabing makakatagpo sila ng kaginhawahan agad-agad.Maski bang kahit na dalawang oras lang ay matuwa ang tao at makalimutan muna nila ang hirap ng buhay.
Ito ang dahilan kung bakit ginawa niya ang Kapag Tumibok Ang Puso. Mas sigurado nga naman siya. Milyong piso ang bibilangin niyang tubo kung gagawa na lang siya ng isang action movie, pero hindi lang naman ang kumita ang talagang gusto niya eh, kundi iyong makapagbigay siya ng kasiyahan kahit na papaano sa kanyang mga kababayang alam niyang hirap sa buhay.
Pero napatunayan ng Go Girls na oo nga at sexy sila, pero ang inilalaban talaga nila ay ang kanilang talents. Hindi ba mas ok naman sila sa ginagawa nilang yon?