Pops, iniyakan ang pagbubuntis ng gf ni Martin

Kahit pitong taon nang hiwalay ang dating mag-asawang Pops Fernandez at Martin Nievera at annulled na rin ang kanilang kasal, iniyakan pa rin ni Pops ang balitang pagbubuntis ng long-time girlfriend ni Martin na si Katrina Ojeda hindi dahil mahal pa rin ni Pops si Martin kundi sumama ang kanyang loob dahil sa diyaryo pa niya nalaman sa halip na si Martin ang magsabi sa kanya.

Sa kabila kasi ng pagiging hiwalay nina Pops at Martin ay napanatili nila ang kanilang pagiging magkaibigan at nagsasabihan sila sa isa’t isa tungkol sa kanilang respective lives.  Ini-expect ni Pops na siya at ang kanyang mga anak ang unang makakaalam tungkol sa bagong development sa buhay pag-ibig ni Martin pero sa iba pa niya ito nalaman.

Talagang nagtampo si Pops kay Martin pero naayos din ito nang magkasama ang dalawa sa isang serye ng concert sa Europe kamakailan lamang.

Ngayong out na in the open ang pagbubuntis ni Katrina Ojeda na siyang naging dahilan ng tuluyang pagkakahiwalay nina Pops at Martin, natuldukan na ang chance na muling magkabalikan ang dating mag-asawa. Wala na sigurong maniniwala pa kay Martin sa pagsasabi nitong mahal na mahal pa rin niya hanggang ngayon ang kanyang dating asawa at ina ng dalawa niyang anak na sina Robin at Ram.
* * *
Mahigit limang taon na ring namamayagpag sa market ang Bratt fashion line for teens na muling bibigyan ng panibagong buhay sa pamamagitan ng mga bagong endorsers nito na kinabibilangan ng Anime barkadas na sina Rayver Cruz, John Wayne Sace, Mhyco Aquino, Mico Aytona, Rodjun Cruz at Sergio Garcia kasama ang dalawang US imports na sina Kalan Rutstein (17) ng Chicago, Illinois at ang 9th grader na si  Brooke Opalinski (16) ng Nevada, USA.

Since teens ang target market ng Bratt, ang mga disenyo nito ay akma sa mga kabataan-trendy, sporty, funky, preppie, active at cool. Tuwang-tuwa siyempre ang mga bagets stars dahil ang Bratt teen fashion ang swak sa kanilang taste.
* * *
a_amoyo@pimsi.net

Show comments