Kinapos daw kasi sa panahon kaya sa June 21 na ito ipapalabas, two weeks ahead sa laban ni Manny Pacquiao sa Mexican boxer na si Oscar Larios sa Araneta Coliseum.
Masyado rin daw naging magastos ang pelikulang ito dahil sa rami ng extra na kailangan.
Mahal din daw kasi ang bayad sa San Juan Arena kung saan kinunan ang mga boxing matches. Kinailangan din nilang kumuha ng 1,000 extras - 800 ang class A at 200 ang class B. Class A meaning local audience and yung class B, yung totoong mga Amerikano na kailangan daw nilang bayaran ng P1,500 to P3,000 per head.
Kaya naman ayon sa isang staff, almost P25M ang inabot ng budget nila. Hindi pa raw padded yun. "Pero pag si Mommy Rose Flaminiano (FLT Films) ang tatanungin mo, malamang sasabihin niya P100 million. Hahaha," say ng isang staff.
Pero totoo raw na malaki ang gastos kasi magkano ang per day ng mga artistang may special participation sa movie.
Plus yung shooting pa sa Amerika.
Anyway, kahapon ay nagkaroon ng big presscon ang nasabing movie ni Manny Pacquiao na kasalukuyang nasa ensayo sa Wild Card Gym sa Amerika. Present sa nasabing presscon ang buong cast. Kaya lang, naloka ang mga naghintay kay Jericho Rosales who portrays the role of Pacquiao dahil pagdating nito, parang bagong gising at naka-tsinelas lang.
In fairness, maganda ang trailer ng movie at na-reinvent ni Jericho ang kanyang sarili from his Panday character.
Si Direk Joel Lamangan ang in charge sa movie under FLT Productions and Star Cinema.
Pero instant celebrity siya ngayon dahil nakasama siya sa Big Four ng PBBTE - 4th placer siya na never niyang inexpect before she enter the PBB House. She got 279,390 votes.
At noon palang ganapin ang Big Night, present ang boyfriend niyang taga-Bukidnon. Fireman daw ito sa kanilang probinsiya at mas may edad sa kanya. Pero worry na raw itong baka palitan na siya ni Claire.
Pinag-iisipan pa ni Claire kung itutuloy niya ang pag-aartista.
Eh paano na lang kung biglang lumabas ang mother niya ngayong sikat na siya?
"Siyempre matutuwa ako pag nakita ko ang mommy ko," sabi niya.
At kung bago siya nag-join sa PBB ay dina-down siya ng mga Tita niya, after she won, aba nagtawagan daw sa kanya at sinasabing may talent naman pala siya.
Madalas daw kasing sabihin noon ng mga Tita niya na hanggang ganda lang siya ng face, wala naman siyang talent.
Malaki ang lamang sa boto ni Kim sa second placer na si Mikee Lee dahil suportado siya ng Chinese community sa bansa. Imagine, she got 626,562 votes.
Kaya naman ang dami ring output ngayon ni Tintin. Bukod sa rami ng endorsement nila ni Anya dahil hindi naman puwede si Julius - dahil nga naka-specify pala sa black book ng News and Current Affairs na hindi sila puwedeng mag-endorse. At si Christine, naka-specify na puwede dahil hindi naman hard news ang ginagawa niya sa MUP.
At bago pala siya nanganak kay Anya, nakagawa siya ng childrens book na mismong si Julius ang illustrator. Ang ganda ng book na ideal para sa mga bagets, ang Bryan Learns His Lessons na out na sa Goodwill Bookstores. Next project niya ang Basura Monster.
Bukod sa childrens book, nakapag-produced siya ng instructional video na para sa mga mommy na gustong magpapayat base sa kanyang personal experience nang manganak siya kay Anya. "Ang dami kasing nagtatanong sa akin kung paano ako pumayat. So lagi akong nagsi-share sa kanila. Hanggang naisip ko na lang na mag-produce ng CD. At least, mas marami akong mommy na matutulungan," say ni Tintin.
Available ang Trampoline video (instructional CD) sa lahat ng Tobys na distributor ng trampoline.
Anyway, nag-top pala sa Anak TV Seals nationwide top of the mind survey for most wholesome and child-friendly celebrity silang mag-ina kaya naman siya ang kinuha ng Robby Rabbit. "And I want Robby Rabbit to be Antonias friend," say ng mommy ni Anya.
No wonder na kahit two years pa lang si Anya ay marami na itong savings na ini-invest nilang mag-asawa sa bank and properties.
At any rate, available ang Robby Rabbit na nagsi-celebrate ng kanyang 18th birthday this year sa lahat ng leading department stores nationwide.