"Hindi kasi ito umaayon sa aking personalidad at sa konsepto ng album. Ang babae ngayon ay moderno at lumalaban. At kung karakter ko ang pag-uusapan, alam naman ng lahat na si Tita Midz ay hindi isang martir," paliwanag ni Armida.
Ang tinutukoy na kanta ay ang "Mahal na Mahal Kita" ni Juan Silos Jr. Sa orihinal ay handang magdusa ang babaeng nagmamahal hanggang sa dulo ng panahon. Sa recorded version ay handa siyang harapin ang katotohanan at limutin ang binatang minamahal.
Magbabalik-alaala ang mga LVN musicals na kung saan hinango ang mga sumusunod na kanta o movie themes: Galawgaw, No Money, No Honey, Ikaw Kasi (unang full length color movie ng LVN na bida sina Nida at Nestor) at Waray Waray. Boses ni Sylvia La Torre ang ginamit noon para sa pagkanta nina Nida Blanca, Mila del Sol, Lilia Dizon at Delia Razon.
Two years ago nang mag-pop si Armida para sa Viva Records entitled "Pop Lola". At heto naman ang "Babae", a 14 track collection na inaalay sa babaeng Filipina.
Every month ay may pagtatanghal si Armida sa University of Makati na tampok ang ilang singers ng Aawitan Kita na kung saan muling binubuhay ang mga kundiman songs at other classical songs noong araw. Proyekto ito ni Mayor Binay para sa mga senior citizens ng Makati. Isinabay din ang album launch ng "Babae" dahil most of the songs ay inawit sa natatanging show.
Isa sa mga piling panauhin ay si Ms. Susan Roces na ayaw magbigay ng pahayag kung siyay dadalo sa mga pararangalan bilang National Artist 2006 na kung saan kabilang ang yumaong Fernando Poe Jr. as National Artist for Films. REMY M. UMEREZ