Lalo tuloy kaming na-curious kung ano ang totoong nangyari sa kanila. Minsan na rin namin natanong si Dennis sa tsismis sa kanila ni Rufa Mae at di rin kami sinagot. They have something in common, pareho silang pipit bingi. Huh!
May rasong dedmahin ni Rufa Mae ang isyu sa kanila ni Dennis dahil si Erik Santos ang bago nitong "love." Wala itong bukambibig kundi ang pangalan ng singer at lalo pa nitong nagustuhan ang Kapamilyang binata nang malamang mabait ito lalo na sa mga magulang.
Nagbiro pa si Rufa Mae na kaya may repeat ang kanyang concert, ang Bombshell Unleashed: The Repeat Performance sa August 19 sa Mall of Asia dahil type niyang makasama si Erik. Natawa pa kami sa sinabi nitong "Sana gustuhin din niya ako." Crush na crush niya ang binatat okey lang na masulat ito para malaman at para yayain siyang lumabas. NITZ MIRALLES