Masayang-masaya ang mga hosts ng palabas na sina Undersecretary Robert T. Rivera at Nikka Cleofe Alejar, habang binabalita sa amin ang tungkol sa magaganap na special edition ng show. Sabi pa ni Usec Rivera, sa loob ng isang taon ay nakapaghatid sila ng mahahalagang impormasyon sa mga tao, sa pamamagitan na rin ng personal na pahayag ng mga special guests nila mula sa ibat ibang sangay ng pamahalaan at ng private sector.
Ngayong Linggo, mapapanood din ang mga musical numbers nina Rudy Genaskey na galing pa sa Las Vegas; Hari ng Kundiman na si Danilo Santos, keyboard artist Martin Avila at ang dance number ng Generation X.
Kabilang sa mga special guests sina Cesar Montano, Press Secretary Ignacio Bunye, Executive Secretary Eduardo Ermita, Solar Entertainment CEO Wilson Tieng at Nayong Pilipino Director, Atty. Charito Planas.
Ang TV host/civic leader na si Marissa del Mar ay nakausap din namin, na paghahanda para sa kanyang pagdalaw sa show ngayong Linggo.
Pati na ang singer/composer/painter na si Heber Bartolome ay dadalo sa nasabing anibersaryo.
Madalas siyang mag-show para sa mga Pinoy doon, at abala rin siya sa sairling negosyo.
Sa Agosto 19 (Sabado) may isang concert si Genaskey with the wife of his grandson, Isabel Granada. Ang venue ng show ay ang Casino Filipino sa Clark, Pampanga.
Narinig kong kumanta ngayon si Rudy at higit na naging powerful ang kanyang boses habang nagka-edad, dahil kung tutuusin ay singing grandfather na siya.
Pawang mga National Artists ang sumali sa opening ng kanyang paitning show na ikinatuwa naman ni Heber, na binabansagan ngayon na Artista ng Bayan.
Bago matapos ang 2006, magkakaroon ng exhibit sa ibat ibang bansa sa Europa.