Pinoy, wagi sa Hollywood!

Kahit saan mang sulok ng mundo mo ilagay ang Pinoy, nangingibabaw pa rin ang talino nito. Tulad ni Dante Basco, na kasama niya at ka-billing lang naman si Antonio Banderas sa movie nilang Take The Lead.

Ipinanganak dito sa bansa si Dante na tubong Zambales at Pangasinan ang mga magulang. Sa edad na dalawang taon ay lumipad sila ng kanyang pamilya sa Amerika. Pero kahit nasa States na sila, nakuha pa rin niya ang hilig ng kanyang magulang sa music. Kaya naging passion niya ang pagkanta, pagsasayaw, pagtugtog ng piano. Mahilig din siyang sumulat ng mga tula.

Claim ni Dante na 20 yrs na siyang actor sa America at nagsimulang lumabas noong bata pa ito. Nakasali siya sa mga pelikulang Biker Boyz, Naked Brown Men, Extreme Days, The Debut at ang Hook kung saan nakasama niya sina Steven Spielberg, Dustin Hoffman at Robin Williams. Markado, ang kanyang role dito bilang Rufio ang leader ng mga batang Lost Boys.

Ngayon sa pelikulang Take The Lead, mahalaga rin ang role ni Dante bilang Miguel Ramos, isang street-wise high school student. Ipapamalas dito ni Dante ang kanyang galing sa pagsasayaw ng meringue, tango, salsa at may halong breakdancing.

Dumaan din si Dante sa proseso ng paghihirap bago nakapasa sa US, at kung meron man siyang maipapayo sa mga kababayan nating artist na naghahangad na maka-penetrate sa Hollywood ito ang kanyang sinabi "Go for it. I also have lots of heartaches in this business. But these made me a stronger person. Enjoy what you do, have fun and play with it. But you should have discipline. Respect your craft! Train hard and put change in every role. Give your best," sabi ng Fil-Am actor.

Ngayon nasa bansa si Dante para sa promotion ng Take The Lead na ipapalabas sa June 7 nationwide.

Habang naglilibot si Dante sa bansa na-inspire siyang isama ang kanyang mga kapatid next year para makipag-collaborate sa mga Pinoy singer para gumawa ng album or concert. Kakausapin din niya ang kanyang kaibigan na si Apple ng Black Eyed Peas na isa ring Pinoy kung ano ang puwede nilang gawin o maitulong para sa mga Filipino artist natin.

"I’m so inspired here. I can’t sleep at night. I go every where in malls, streets, meeting peole. How cool to be a Filipino," sambit ni Dante.

At ang isa sa kanyang greatest dream?

"I’m living my dream. I want to bring Filipino in the world. It’s time to come up. And I’m proud to represent the Pinoy in this movie (Take The Lead)," sabi ni Dante.

Ipinaglaban din ni Dante sa Take The Lead bilang Miguel Ramos na i-portray niya ang kanyang pagiging tunay na Pinoy na nasunod naman. - Lanie M. Sapitanan

Show comments