Anak nina Tintin at Julius, 1 yr.old lang, may condo unit na!

Yes, one year three months lamang si Antonia "Anya" Babao, pero, mayro’n nang condo unit ito na malapit sa pinagtatrabahuhan ng kanyang parents, sa may ABS CBN, na nagsimula nang hulugan ng kanyang mga magulang. Pagdating niya ng edad 18 ay kanyang-kanya na ito.

Hindi lamang to ang swerte na matitikman ni Anya sa pagkakaro’n ng mga magulang na tulad nina Julius at Tintin. May dalawang bangko na ito na hinuhulugan parati ng kanyang ina. Dito pumapasok ang mga kinikita niya bilang product endorser kasama ang kanyang ina.

Matapos ang kanyang matagumpay na diaper endorsement na ginawa nila when she was only three months old at mayro’n nang bagong version na mapapanood na soon sa TV, muli silang makikitang mag-ina sa mga commercials ng Robby Rabbit, isang cartoon character na Pinoy na nakapag-labas na ng isang linya ng school bags, mga damit para sa mga infants at children, girls & boys, water jugs, notebooks, face towels, atbp. Lalabas silang mag-ina sa mga print ads ng Robby Rabbit, fashion shows at other special events.

Ang Robby Rabbit ay may 18 taon nang nasa market.
* * *
May TV show na si Teri Onor sa labas ng GMA. Ito ang Getzmo, mapapanood tuwing Sabado, 5-6 NG, simula Hunyo 10, IBC 13. Maraming kasama sa show si Teri, tulad nina Luane Dy, Aaron Villena, Kiko Matus, Christopher Canizares, ang seksing si Renee Summers, Mystica at Ian Valdez.

Isang variety show ang Getzmo na mamimigay ng sangkatutak na papremyo at mga sorpresa. Magbibigay din ito ng mga exciting "OnStage" production numbers at games. May dance exhibition ang mga dance princes wannabes. Ang Getzmo team ay pupunta sa maraming lugar sa Manila para mamigay ng prizes at surprises.
* * *
Napili na ang 10 pelikula para sa Metro Manila Film Festival. Ito ang Enteng Kabisote 3 (Octo-Arts), Tanging Pamilya, Kasal, Kasali, Kasalo (ABS CBN), ZsaZsa Zaturna (Regal), Short Time (Virgin Pictures), Mano Po 5 Gua Ai Di ( Regal), Karma (Canary Films), Shake, Rattle & Roll ( Regal Films), Batang Maynila (CM Films) at Tatlong Baraha (Violet Films).
* * *
veronica@philstar.net.ph

Show comments