"Nag-worry ako although alam kong maganda ang pagkakagawa ng serye dahil napaka-mahal nito, sa mga special effects lang malaking pera na ang kinakain nito. Kaya happy ako na nakalipad ng mataas ang Pinoy superhero. Im sure maski si Ms. Annabelle, happy for Richard (Gutierrez, gumaganap ng title role).
Samantala, happy ang mga viewers sa bagong kapareha ni Richard na si Rhian Denise Ramos. Lahat sila ay nagkakaisa na parang ang gaan- gaang nitong dalhin at gayong napaka-ganda ay hindi threat sa lovelife ni Richard. Kaya walang problema si Richard, ang gf nito, ang kanyang mommy at, maging si Rhian na naramdaman ang pagtanggap sa kanya ng mga TV viewers at maging ng mga kasamahan niya sa series.
"Hindi ko pa ramdam na sikat na ako. Hindi ko iniisip na kilala na ako ng lahat ng tao," sabi niya.
Hindi batid ng marami pero, host si Sheryn ng Visayan leg ng Little Big Star ng ABS CBN. Ang mananalo rito ay ipadadala sa Maynila para makipag-compete. Meron din itong Mindanao leg na ang host naman ay si Nikki Bacolod na taga-Iligan. Nakuha si Sheryn na mag-host dahil isa siyang Cebuana.
May bagong single si Sheryn, ang "May Nagmamahal", theme song ng programang Nagmamahal Kapamilya hosted by Bernadette Sembrano. Nasa loob ito ng album niyang "What I do Best".
Medyo nakaramdam lang ako ng takot dahil baka wala nang matirang lalaki sa mundo dahil unti-unti na silang lumalabas, di tulad nun na mabibilang mo sila sa mga daliri ng kamay. Not that I resent it, totoong magagaling sila, marami sa kanila ang artistic pero, sana hindi nila ma-outnumber ang mga kalalakihan natin.
Lalo akong natakot nang the next evening, sa dokyu ni Vicky Morales sa I Witness ay napanood ko naman sa TV yung mga kebabata pa, wala pa silang 10 taon, na talagang baklang-bakla na.Wala nang magawa ang mga magulang nila kundi tanggapin ang kapalaran (?) ng mga bata. Mas mabuti na raw yun kesa maging addict sila o gumawa ng masama.
Ganun!!!! Di ba nila inisip na baka naman mapigilan pa na matuluyan ang pagiging bading ng kanilang mga anak? Bakit naman nung araw, may mga nagsimulang bading pero, napigilan pa at naging mga lalaki? Dahil marami sa kanila ang tanggap na dalawa lamang ang kasarian ng tao, babae o lalaki, ang ikatlo ay isang abnormality. Patawad mga kafatid, ayaw ko lang mabura ang lahi ng mga lalaki sa lupa!! Kayo rin, di kayo mabubuhay nang walang lalaki sa mundo!!
Pero di ba dapat magdiwang ang nasabing serye, ang dapat nilang gawin ay masustena ang interes ng mga manonood at kung tatanggap sila ng suhestyon, dapat huwag puro aksyon, lagyan din nila ito ng drama para maging balanse at di lamang ang mga bata ang mabigyan nila ng kasiyahan kundi maging ang katulad kong nanay na mahilig sa drama.
Sana rin makaisip ang mga writers ng ibang anggulo sa istorya para mailayo ito sa istorya ni Superman.