PBB ngayon, Bb. Pilipinas next year!
May 31, 2006 | 12:00am
Marami ang na-disappoint nang ma-evict si Mary Clare "Niña" Jose matapos ang dalawang linggo at 13 araw na pagtigil sa Bahay ni Kuya, sa Pinoy Big Brother Teen Edition.
Isa sa hinulaang malakas na kandidato among the 14 housemates ang sosing jologs na dati raw ay nangangahulugan ng pagiging totoo sa sarili pero, ngayon daw ay baduy na ang ibig sabihin nito.
Sumali siya sa PBB dahil gusto niyang makatulong sa kanyang pamilya. "Akala ng marami, may kaya kami pero, hindi. May business ang dad ko pero, mahina ngayon. Wala namang job ang mom ko.
"May gusto rin akong patunayan sa sarili ko. Maski pamilya kot mga kaibigan ang akala ay wala akong silbi, na wala akong ginagawa sa bahay but this is only because favorite ako ng lolo ko, Im treated like a princess," sabi niya.
Maswerte si Niña dahil after her eviction, madalas siyang napapanood mag-guest sa mga shows ng Kapamilya Network. She was seen in Homeboy, ASAP at nakagawa pa siya ng commercial for Globe.
Bagaman at mayron siyang tinanggap na scholarship para sa STI, scholar siya ng Enderun School kung saan balak niyang kumuha ng business course. Mag-a-apply din siya sa La Salle for a course in European Studies.
Next year, 18 na siya at buo na sa isip niya ang sumali sa Bb. Pilipinas. Taglay naman niya ang mga requirement para maging isang candidate mataas , 58", maganda at articulate.
Wala siyang commitment at the moment. Nakipag-break siya sa boyfriend niya dahil may nagustuhan siyang ibang guy.
"Naging honest ako sa kanya pero, di niya tinanggap ng maganda ang pakikipag-break ko sa kanya. Instead he got mad and became bitter," anang teener na maraming housemates ang nagkaka-gusto.
Nagpasya namang magpapayat na si Michelle Marie "Mikki" Arceo, ang Davaoeña na na-kick out sa Ateneo de Davao dahil madalas siyang late sa school, gayong malapit lang ito sa house nila. Incoming nursing stude siya. Ang kurso ring ito ang ipo-pursue niya sa STI Manila na kung saan ay binigyan siya ng PBB ng 4-year scholarship. Pagkatapos ng nursing kukuha siya ng law dahil nabalitaan niya na maraming kasong kinakaharap ang mga nurses sa US kaya makakatulong ng malaki sa kanya at sa marami pang Pinoy nurses sa US kapag nakatapos siya.
Close sila ni Aldred Marc Gatchalian kaya marami ang naniniwalang magiging simula ito ng isang magandang relasyon pero silang dalawa ang unang tumatanggi sa pamamagitan ng pagsasabing, "Magkapatid lang ang turingan namin." Aldred for his part hopes na sa pamamagitan niya ay magagamot ang hatred ni Milli sa mga lalaki na nakuha nito sa tatlong failed relationships niya.
"Ginamit lang ako ng tatlong naging boyfriends ko,wala na akong tiwala sa mga lalaki, manloloko silang lahat," galit niyang sabi.
Tulad ng StarStruck 3 female winner na si Jackie Rice, batang Gapo rin si Brenda, ang pinakahuling pumasok sa Bahay ni Kuya, nang ma-evict forcibly si Bam Romana.
Best friends sila ni Jackie and hopes na matulad din dito ang career niya na di naman imposibleng mangyari dahil maganda rin siya.
Sa kabila ng maamo niyang mukha, may pagka-astig ang Fil-Am girl na ito na incoming freshman sa kursong tourism sa UST.
Lagi siyang may dala-dalang pendant na nagbibigay sa kanya ng good luck. "Pero kapag naiiwan ko ito ay minamalas ang buong araw ko," sabi niya.
[email protected]
Isa sa hinulaang malakas na kandidato among the 14 housemates ang sosing jologs na dati raw ay nangangahulugan ng pagiging totoo sa sarili pero, ngayon daw ay baduy na ang ibig sabihin nito.
Sumali siya sa PBB dahil gusto niyang makatulong sa kanyang pamilya. "Akala ng marami, may kaya kami pero, hindi. May business ang dad ko pero, mahina ngayon. Wala namang job ang mom ko.
"May gusto rin akong patunayan sa sarili ko. Maski pamilya kot mga kaibigan ang akala ay wala akong silbi, na wala akong ginagawa sa bahay but this is only because favorite ako ng lolo ko, Im treated like a princess," sabi niya.
Maswerte si Niña dahil after her eviction, madalas siyang napapanood mag-guest sa mga shows ng Kapamilya Network. She was seen in Homeboy, ASAP at nakagawa pa siya ng commercial for Globe.
Bagaman at mayron siyang tinanggap na scholarship para sa STI, scholar siya ng Enderun School kung saan balak niyang kumuha ng business course. Mag-a-apply din siya sa La Salle for a course in European Studies.
Next year, 18 na siya at buo na sa isip niya ang sumali sa Bb. Pilipinas. Taglay naman niya ang mga requirement para maging isang candidate mataas , 58", maganda at articulate.
Wala siyang commitment at the moment. Nakipag-break siya sa boyfriend niya dahil may nagustuhan siyang ibang guy.
"Naging honest ako sa kanya pero, di niya tinanggap ng maganda ang pakikipag-break ko sa kanya. Instead he got mad and became bitter," anang teener na maraming housemates ang nagkaka-gusto.
Close sila ni Aldred Marc Gatchalian kaya marami ang naniniwalang magiging simula ito ng isang magandang relasyon pero silang dalawa ang unang tumatanggi sa pamamagitan ng pagsasabing, "Magkapatid lang ang turingan namin." Aldred for his part hopes na sa pamamagitan niya ay magagamot ang hatred ni Milli sa mga lalaki na nakuha nito sa tatlong failed relationships niya.
"Ginamit lang ako ng tatlong naging boyfriends ko,wala na akong tiwala sa mga lalaki, manloloko silang lahat," galit niyang sabi.
Best friends sila ni Jackie and hopes na matulad din dito ang career niya na di naman imposibleng mangyari dahil maganda rin siya.
Sa kabila ng maamo niyang mukha, may pagka-astig ang Fil-Am girl na ito na incoming freshman sa kursong tourism sa UST.
Lagi siyang may dala-dalang pendant na nagbibigay sa kanya ng good luck. "Pero kapag naiiwan ko ito ay minamalas ang buong araw ko," sabi niya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended