Hindi rin naman siya pinagsasawaan ng mga tao dahil lagi siyang may bagong ipinakikita sa mga fans. Katulad ng bago niyang album na "Relevance" na release ng Universal Records.
Yun ngang isang cut sa album na "Sana Bukas" ay memorable kay Gary dahil ngayon lang daw bumalik ang kanyang falsetto voice habang nire-record niya ito. Mula kasi 1990s ay hindi raw niya makanta ng tamang tono ang kanyang mga singles dahil nawala raw ang kanyang falsetto voice.
Sana nga mag-work out yung plano nila ng kanyang American producer friend na maka-penetrate siya sa US market.
And the same time, plano na rin ni Gary na mag-aral sa States patungkol sa musical scoring, video editing at mga technical works behind the stage. Plano rin niyang maging record producer para sa ibang singer.
"Its time for me to move on, to go on and help other singers naman," sabi ni Gary.
Hindi na pala mag-aaral sa US ang anak nitong si Paolo dahil nagbago na raw siya ng interes. Kung dati ay gusto niyang kumuha ng Film course sa Amerika, ngayon ay gusto na niyang maging teacher ng mga bata.
Nahihilig ngayon si Paolo sa mga bata. Gusto ni Paolo na makatulong sa mga kabataang Pinoy sa abot ng kanyang makakaya. Katunayan ay nagsimula na nga raw siyang magturo sa mga nakababata niyang mga pinsan.
Ngayon palang ay nag-iipon na si Paolo ng mga regalo, pagkain at naghahanap siya ng foundation na pagbibigyan nito kapag marami na ito.
Hindi pala type ni Paolo ang showbiz kahit pa nagbabanda siya. Hindi rin niya feel ang atmosphere ng showbiz kahit pa ito ang mundo ng pamilyang kanyang pinagmulan.
"Mahiyain kasi ako. Showbiz is not my thing. Not like Gab and my Dad. Im proud of my Dad but I dont enjoy na pinagkakaguluhan. Fame is not something I want to pursue," ngiting sabi ni Paolo.
Kabaligtaran naman si Gabriel ng kanyang kuya dahil enjoy naman siya sa mundo ng showbiz. Nung launching nga ng album ni Gary V sa Megamall kamakailan, nagawa pang magnakaw ng eksena ni Gab habang sinasabayan ang kanyang tatay sa pagsayaw sa stage. Pero nag-iba ang mood niya nung sinabing siya ang susunod na Gary V.
"I look up to my dad. Pero iba siya, iba rin ako. Besides singing is not my passion. Pero imbes na mainggit ako sa daddy ko, ginagawa ko na lang siyang inspirations sa pagsasayaw ko," paliwanag ni Gab.
At kung meron mang natutunan si Gab sa kanyang daddy, "Humility and faith. And Im not after money or fame, but what Im doing is for the Lord, not to please people around me," sabay kaway sa kanyang mga fans.