Asawa ni Phillip, lola na pala!

Sobrang sikat na talaga ni TJ Trinidad. As in ayaw siya halos pakawalan ng mga kababayan ko sa Sta. Elena, Camarines Norte. Actually, sa lahat ng stop over namin on the way to Bicol at pabalik, nari-recognize siya. Madalas siyang tawaging Carding, ang character niya sa Gulong Ng Palad. Nag-appear si TJ sa coronation night ng Ms. Sta. Elena last Saturday night.

Punung-puno ang gymnasium ng Sta. Elena. Pagdating ng actor, nagkagulo ang lahat. Lahat yata ay gustong magpa-picture at magpa-autograph. Pinagbigyan naman silang lahat ni TJ na naka-smile pa. "Mabait pala at approachable si TJ," ang madalas na sinasabi ng mga tao sa kanya.

Since malayu-malayo rin ang Sta. Elena, may naka-ready sanang honorarium sa kanya ang organizer ng event. Pero hindi na tinanggap ni TJ. Instead, ini-announce niya na ido-donate na lang niya sa simbahan na matagal-tagal na ring ginagawa. Actually, hindi pa man kami nakakarating ng Sta. Elena, nag-usap na sila ng manager niyang si Tita June Torrejon na i-donate na lang sa simbahan ang honorarium niya since ang simbahan ng Sta. Elena ang nag-invite sa kanya.

Anyway, nag-escort sa traditional walk at nag-crown si TJ sa Miss Sta. Elena na si Christine Joy Dadap ka-partner ang wife ni Mayor Dominador Mendoza na si Mayora Milet. I’m sure, malaking tulong ang nagawa ni TJ para sa simbahan ng Sta. Elena. As of presstime, wala pa akong feedback sa income ng nasabing fund-raising appearance ni TJ. Si Fr. Rodel Rempillo and Jonjon Dematera ang punong abala at ang Hermana Mayor na sina Fe and Fem Palma sa nasabing event.

Anyway, before the coronation night, lahat yata ng neighbors namin, gusto ring mahalikan si TJ. Bata o nanay na like my ninang Dolores Mulato na sabi pa "pahalik nga TJ." Ha! Ha! Ha! Grabe. Kaya pati ang nanay ko nakipag-picture na rin. Since medyo malayo ang bayang Sta. Elena sa Manila, siyempre maraming nai-excite na makakita ng artista kaya panay ang pasasalamat nila na naging napaka-accommodating ni TJ. By the way, naki-join sa Sta. Elena sina Tita Ethel Ramos, Tita Nora Calderon at Ate Emma Doroteo.

Deboto si Tita Ethel ni Sta. Elena kaya sa special mass, officiated by Fr. Rodel, nag-instant sharing siya. ‘Yung mga nagawang himala ni St. Helena sa buhay ng kanilang pamilya. Kaya kahit malayu-layo, tinupad niya talaga ang pangako noon na sasama siya sa aming bayan. Nag-donate din sila sa Nuestra de Señora de Salvacion, na chapel sa aming barangay.

By the way, hindi pa man kami nakakarating sa Sta. Elena, binigyan na si TJ ng magandang regalo ni St. Helena. Siya na ang magiging leading man ni Rufa Mae Quinto with Aiai delas Alas sa pelikulang gagawin ng dalawa sa Viva Films. Sabi nga ni Tita June Torrejon, manager ni TJ, ang bilis naman ng dating ng return ni St. Helena kay TJ. Si Tita Ethel ang nakaisip ng idea at agad niyang tinawagan si Tita June para kausapin si Boss Vic del Rosario.

Kung sabagay, perfect choice si TJ para sa nasabing project na ididirek ni Ms. Joyce Bernal. Bagay sila ni Rufa Mae.

At any rate, again maraming salamat kay TJ, pinasaya niya talaga ang mga taga-Sta. Elena.
* * *
On the way back to Manila, nagkaroon ng minor accident (thank God!) sa sinasakyan naming van. Eh kailangang makarating si TJ ng Manila before 6:00 a.m. dahil aalis naman siya papunta ng Iloilo. So nagpasundo na lang siya sa driver nila ng 3:00 a.m. sa may Sto. Tomas, Batangas kung saan nga nagkaroon ng minor accident ang van namin.

Maraming salamat sa mga tumulong sa amin na sina P03 Edwin Belandres, P01 William Ardaniel, PO1 Sherwin Luna ng Sto. Tomas Police Station and Kagawad Eric Cacao ng Brgy. San Vicente, Sto. Tomas, Batangas. Special thanks kay Fr. Dale.
* * *
Maha-hurt kaya si Kuya Ipe Salvador sa kwento ng isa kong friend na shocked siya (my friend) nang marinig ang issue na dalawang beses nakunan ang wife niyang si Emma Karen Ledesma?

"Di ba menopause na si Emma Karen so paano naman siya makukuna?," sabi ng friend ko na kilala ang pamilya ni Karen.

At ito ang the height, lola na pala itong si Emma Karen. In fact, nang minsang pumunta raw ito sa Amerika ay para dalawin ang kapapanganak niyang anak.

Meaning, hindi na sila magkakaanak ni Kuya Ipe.

Lately ay natsitsismis na hiwalay na ang dalawa dahil madalas na nagso-solo si Kuya Ipe sa mga lakaran ngayon.

Any word from Kuya Ipe...?

Show comments