Lips-to-lips nina Polo at Luis, tinanggal ng MTRCB!
May 28, 2006 | 12:00am
Nagkita-kita sa 25th wedding anniversary at renewal of marriage vows nina Tirso Cruz III at Lyn Cruz last Thursday ang controversial celebrities na sina Sen. Bong Revilla at Lani Mercado at sina Gretchen Barretto at Tony Boy Cojuangco. Naglikot na ang mga mata namin sa pagmamasid sa nangyayari sa paligid.
Walang dedmahang nangyarit parehong nakangiti sina Sen. Bong at Tony Boy nang magkamay. Nagbeso-beso rin sina Gretchen at Bong at pagdating ni Lani, binati nito si Tony Boy at nagbeso-beso sila ni Gretchen pero, walang tsikahang nangyari.
Magkikita uli ang tatlo sa premiere night ng Kapag Tumibok Ang Puso sa June 12 sa SM Megamall dahil manonood si Gretchen. Inimbita ito ng Imus Productions at nagpahatid na ng salita na siyay pupunta. Pagsisihan kaya ni Gretchen ang pag-turn down niya sa role na napunta kay Lara Quigaman?
Nasa 25th wedding anniversary din si Phillip Salvador na solong dumating dahil may sakit ang misis nitong si Emma. Na-touch kami nina Nora Calderon at Rowena Agiladat mahigpit kaming niyakap nito. Nami-miss daw niya ang press at dahil kami ang naroon, kami ang niyakap. After a few minutes, bumalik ito sa puwesto namin para i-group hug kami.
Peaceful ang hitsura ni Phillip at may kalusugan pa nga. Obvious na natuto itong ihiwalay ang problema pag wala siya sa korte. Naka-Barong itot sabiy pastor na pero, nakalimutan namin itanong. Seryoso itong nakinig sa speech ng magkakapatid na TJ, Bodie at Dyanin Cruz at malakas ang palakpak after the speech ng Cruz siblings.
One of these days, baka mapanood natin si Phillip sa Magpakailanman at gusto nitong mag-guest sa drama anthology ng GMA-7. Nag-promise si Redgie Magno na hahanapan siya ng istoryang babagay sa kanya.
Naniniwala ang Regal na kahit inalis ng MTRCB ang kissing scene nina Polo Ravales at Luis Alandy sa Manay Po ay magugustuhan pa rin ng tao ang pelikula. Pabor din naman sa Regal ang ginawa ng MTRCB dahil mas lalawak ang makakapanood nitot magiging PG-13 ang classification. Ang sabi ni Polo, sa international version ng movie na ipapalabas sa labas ng bansa isasama ang na-edit na kissing scene.
May kapalit na eksena ang na-edit na kissing scene nina Polo at Luis na di muna namin isusulat para masorpresa ang manonood nito. Kapag nanood kayo sa premiere night palang bukas, sa SM Megamall, makikita ninyo kung anong eksena itong pangkiliti rin lalo na sa mga bading.
Samantala, nahahalata na rin ni Polo na tuwing naiinterbyu siyay puro tungkol kay Ara Mina ang tanong sa kanya ng press. Kailangan daw niyang sagutin dahil magtatampo ang mga reporter pag dinedma niya ang walang katapusang isyu sa kanila ng actress.
Natawa kami kay Rhian Denise Ramos, leading lady ni Richard Gutierrez sa Captain Barbell. Dahil di pa sanay interbyuhin, inconsistent pa sa mga sagot na ipinag-react ng kausap nitong mga reporter. May isa ngang press na medyo tumaas ang boses dahil di kontento sa kanyang sagot at nakita namin ang pagkataranta ng 16-year-old newcomer. Agad itong nag-sorry sa kausap at nakiusap na wag magalit sa kanya.
Maganda naman ang nangyarit diretso na ang mga sagot nito sa mga sumunod na tanong. Sobrang ninerbyos daw siya sa audition at natuwa naman nang mapiling gumanap sa role ni Leah. Hindi ito makapaniwalang siya rin ang choice ni Richard na makapareha.
Kahit Ingleserat British ang ama, sa Alabang Hills nakatirat sa La Salle Zobel nag-aaral, di nababaduyan sa showbis si Rhian. Masaya raw ang showbis at marami siyang nagiging kaibigan. Excited din ang Filipina mother nito na nasa showbis na ang anak at pinaalalayan si Rhian dahil baguhan nga.
Bukas na ang premiere ng CB pero, di pa yata mapapanood si Rhian dahil naka-focus ang episode sa outer space at eksena nina Snooky Serna, Paolo Bediones, Ian Veneracion ang ipapakita.
Walang dedmahang nangyarit parehong nakangiti sina Sen. Bong at Tony Boy nang magkamay. Nagbeso-beso rin sina Gretchen at Bong at pagdating ni Lani, binati nito si Tony Boy at nagbeso-beso sila ni Gretchen pero, walang tsikahang nangyari.
Magkikita uli ang tatlo sa premiere night ng Kapag Tumibok Ang Puso sa June 12 sa SM Megamall dahil manonood si Gretchen. Inimbita ito ng Imus Productions at nagpahatid na ng salita na siyay pupunta. Pagsisihan kaya ni Gretchen ang pag-turn down niya sa role na napunta kay Lara Quigaman?
Peaceful ang hitsura ni Phillip at may kalusugan pa nga. Obvious na natuto itong ihiwalay ang problema pag wala siya sa korte. Naka-Barong itot sabiy pastor na pero, nakalimutan namin itanong. Seryoso itong nakinig sa speech ng magkakapatid na TJ, Bodie at Dyanin Cruz at malakas ang palakpak after the speech ng Cruz siblings.
One of these days, baka mapanood natin si Phillip sa Magpakailanman at gusto nitong mag-guest sa drama anthology ng GMA-7. Nag-promise si Redgie Magno na hahanapan siya ng istoryang babagay sa kanya.
May kapalit na eksena ang na-edit na kissing scene nina Polo at Luis na di muna namin isusulat para masorpresa ang manonood nito. Kapag nanood kayo sa premiere night palang bukas, sa SM Megamall, makikita ninyo kung anong eksena itong pangkiliti rin lalo na sa mga bading.
Samantala, nahahalata na rin ni Polo na tuwing naiinterbyu siyay puro tungkol kay Ara Mina ang tanong sa kanya ng press. Kailangan daw niyang sagutin dahil magtatampo ang mga reporter pag dinedma niya ang walang katapusang isyu sa kanila ng actress.
Maganda naman ang nangyarit diretso na ang mga sagot nito sa mga sumunod na tanong. Sobrang ninerbyos daw siya sa audition at natuwa naman nang mapiling gumanap sa role ni Leah. Hindi ito makapaniwalang siya rin ang choice ni Richard na makapareha.
Kahit Ingleserat British ang ama, sa Alabang Hills nakatirat sa La Salle Zobel nag-aaral, di nababaduyan sa showbis si Rhian. Masaya raw ang showbis at marami siyang nagiging kaibigan. Excited din ang Filipina mother nito na nasa showbis na ang anak at pinaalalayan si Rhian dahil baguhan nga.
Bukas na ang premiere ng CB pero, di pa yata mapapanood si Rhian dahil naka-focus ang episode sa outer space at eksena nina Snooky Serna, Paolo Bediones, Ian Veneracion ang ipapakita.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended