Pwedeng matulog sa puno sa Villa Anna
May 28, 2006 | 12:00am
Bukod sa pagiging isang recording artist, si Anna Dizon ay very successful businesswoman.
Subok na ang kanyang business acumen kayat malakas ang loob niyang pasukin ang mga negosyong imposibleng kayanin ng isang magandang babaeng tulad niya.
Kaya naman maraming nagulat nang i-announce ni Anna ang blessing at formal launching ng kanyang Villa Anna Spa at Fruit Villa sa Socorro, Oriental Mindoro, today, May 28.
Doon sa walong ektaryang lupain ni Anna Dizon itinayo ang nasabing Villa Anna Paradise Farm na maraming mga world class attractions.
Sa araw ngang ito ay nandun sina Oriental Mindoro Governor Arnan Panaligan, Corp-Air President Rudy Fulo, Department of Tourism Region IV Director Louella Jurella at Philippine Travel and Tour Associations Tess Aglian, para sa ceremonial cutting of the ribbon at blessing ng bagong tourist destination sa Socorro, na malapit lang sa Calapan.
Ang world-class spa sa villa ay tunay na pahingahan ng katawan at kaluluwa. Ang buong paligid ng spa ay ginawa sa relaxing zen decor at ang mga gamit dito ay pawang mga natural na sangkap at kombinasyon na gamit sa mga kliyente ng mga well-trained attendants.
Sa Fruit Villa naman ay merong mga air-conditioned cottages na napapaligiran ng mga puno ng prutas tulad ng calamansi, rambutan, lansones, langka, santol at buko.
Ang landscaping pa ng buong villa na tampok ang mga ibat ibang oriental flowers ay mistulang paraiso.
Para sa mga mahilig magpaganda ng katawan, meron ang Villa Anna ng isang fully equipped fitness center and gym. Pawang mga state-of-the-art ang mga equipment dito. Dagdag pa ang isang Olympic-sized swimming pool na may giant slide. Isang kiddie size pool ang katabi nito, para sa mga bagets.
Ang Mangyan Hall sa villa na maaring maglaman ng 200 katao ay maaring pagdausan ng mga conference, wedding reception, seminar, convocations at iba pang malaking pagtitipon.
Maari din matulog sa isang malaking tree house by special arrangement. Sa pamamasyal sa villa, madaraanan ang isang mahabang hanging bridge.
Sa mga mahihilig sa adventure, maaaring mag-hike o mamasyal sa paligid ng labas ng villa. Nandun pa ang likas na kagandahan ng kalikasan.
Nakipagkasundo na si Anna sa Tour Care Travel & Tour ni Patrick Hong upang magdala sa Villa Anna ng mga Korean tourist and honeymooners.
Sa pagpunta namin sa Villa Anna Paradise Farm, nag-bus kami patungong Batangas City. Doon kami sumakay ng yacht papuntang Calapan, Oriental Mindoro, Mula Calapan, nagtungo na kami sa Socorro sakay ng isang van. Sa daan, nakita namin ang magandang Naujan lake, na isa sa 5 pinakamalaking lake sa ating bansa.
Kalalabas lang ng "Lagi Ka Sa Aking Panaginip" na bagong single ni Anna, mula sa kanyang "Reborn" album.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended