Katulad ng paniniwala ni Kris na kasama niya ang Diyos nung makipag-compete siyat manalo sa Search For the Star In A Million, malaki rin ang kinalaman Nito sa pagkakaron niya ng debut solo album sa Star Records na nagtataglay ng mga komposisyon nina Jonathan Manalo ("How Can I"), Christian Martinez ("Paano") at Vehnee Saturno ("Kung Malaya Lang Ako"), dalawang cover versions ng "I Love The Way You Love Me" ng Boyzone at "When I See You Smile" ng Bad English at ang sariling komposisyon ni Kris na "Part Of Me".
Bagaman at hindi ako R&B fan, dahil ayaw ko yung kinukulot-kulot ang boses, gandang-ganda ako nang kumantang magkasabay sina Kris at JayR, lalo na nung sinamahan sila ng isa pa nilang kaibigan na originally ay kasama rin nila sa grupo nung nasa States pa sila.
Sinabi ni JayR na magkasama sila ng bahay ni Kris. Di lamang sila magkahati sa mga gastos kundi madalas ay binibigyan niya ang kaibigan ng advice lalot unti-unti na itong nakikilala dito sa atin. Biniro pa nga sila ng isang member ng press na magka-live-in pala sila na tinawanan nila ng husto at di pinansin ang intrigang kaakibat nito.
Mahal si Sam ng mga Ilongo, katunayan bibigyan nila siya ng plake bilang Adopted Son of Iloilo, makatapos ang kanyang concert.
Pinamagatang Sam In a Million, naghanda ang guwapong PBB evictee ng maraming magagandang awitin para sa mga Ilongo, kasama na ang mga awitin sa kanyang self-titled album na isa nang platinum at patuloy na bumebenta sa mga record bars.
Kasalukuyan ding tinatapos ni Sam ang kanyang movie with Toni Gonzaga sa Star Cinema na pinamagatang You Are The One sa direksyon ni Cathy Molina.
Ang prodyuser ng Sam In a Million ay ang katotong Jobert Sucaldito na ang kasong libelo na isinampa sa kanya ng isang mag ed, ay dinismis ng korte dahilan sa kakulangan ng ebidensya.