2 ang iniyakang babae ni Jason Abalos
May 27, 2006 | 12:00am
Maayos naman palang kausap si Jason Abalos, ang bagong ka-loveteam ni Angelica Panganiban sa episode na Promdi para sa pelikulang All About Love na idinirek ni Don Cuaresma for Star Cinema na showing na sa May 31.
Sina Jason at Angelica kasi ang huling ipina-presscon ng Star Cinema at base sa mga usapan sa dalawang naunang presscon ay baka wala raw maisagot si Jason sa press dahil nga mahiyain ito at hindi kasing smart ni Luis Manzano at hindi rin kasing witty ni John Lloyd Cruz kung sumagot sa mga tanong.
Nasa 2nd year college palang siya sa kursong Engineering at balak niyang ituloy dito sa Maynila ang nabinbing pag-aaral kapag may sapat na siyang panahon.
May appeal si Jason, habang tinititigan ng matagal, mahiyain nga lang at isang tanong, isang sagot ang drama niya.
Sa edad na 20 ay marami siyang naka-fling sa probinsiya nila sa Nueva Ecija at sa dalawang babae lang siya umiyak dahil hindi niya alam kung bakit sila naghiwalay.
"Yung una po, mga bata pa kami, yung pangalawa po, wala na kasing panahon dahil nag-artista na po ako. Kaya nga po hindi pa ako nagi-girlfriend kasi nasaktan ako at ayoko nang maulit yun," esplika ng binata.
Aminado rin siya na crush at gusto niya ang ka-loveteam niyang si Angelica, pero hindi niya ito magawang ligawan dahil may boyfriend ito at kaibigan din niya si Carlo Aquino.
"Pero hindi pa naman ako nawawalan ng pag-asa, pero ayoko pong makasira ng relasyon," pahayag pa.
Sayang at malayo na ang nilakbay ng Jewel In The Palace ng GMA 7 dahil maganda sanang magtapat sila ng bagong Koreanovelang My Girl na nabili ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Lee Dong Wook bilang Julian at Lee Da Hae bilang si Jasmine at gaganap na My Girl.
Pero ang paliwanag naman ng Vice President for Program Acquisition na si Leng Raymundo ay hindi pwedeng ikumpara ang Jewel In The Palace sa My Girl dahil, "Costume drama ang Jewel, while My Girl is tv drama."
At hindi rin namin pinalagpas ang tanong na bakit sa rami na ng naipalabas nilang Koreanovela ay ngayon lang sila nagkaroon ng grand presscon?
"Because, this is one of the biggest Koreanovela in Asia, marami kaming nag-bid dito and luckily ABS-CBN ang nakabili kaya gusto naming mapapanood sa inyo ang first two hours para you have an idea what it is all about," paliwanag uli ni Ms. Raymundo.
In fairness, magaan at comedy ang My Girl at guwapo yung bidang lalaki na heartthrob din pala sa buong Asia (pwera Pilipinas, huh) kayat kung may Cholo sa Stairway to Heaven at Kapitan sa Jewel In The Palace ay may Julian sa My Girl.
Na-trauma pala si Ryza Cenon sa isyung nakitang nakikipaghalikan siya kay Mark Herras nung nasa Davao City sila kasama ang girlfriend that time ng binata na si Jennylyn Mercado.
Naklaro na ni Ryza ang isyu na walang katotohanan, pero tila naging stigma sa kanya ang ka-cheapang isyung yun at ang natutunan niya sa showbiz industry, "Huwag pong basta magtitiwala sa mga taong nakakasama ko, kasi hindi ko alam, sila pala ang makakasira," deretsahan niyang sabi nang makita namin siya kamakailan.
Samantala, yumuko si Ryza nang banggitin naming mas maingay ang mga pangalan ng Starstruck Batch 3 na sina Iwa Moto at Jackie Rice kumpara sa kanyang naturingang Female Survivor ng StarStruck batch 2 at maging ang finalist niyang si LJ Reyes ay tila mas sikat pa sa kanya ngayon dahil may pelikula.
"Meron naman po before, yung Lovestruck, kaso hindi na nasundan. Okey lang po ako kasi may tatlong regular shows ako, ang Gigsters, Majika at Fans Kita. At saka hindi naman po ako nagmamadali," nakangiting esplika ng bagets.
As of now, wala pang pelikula si Ryza at naghihintay siyang may mag-alok at sana type niyang movie ay comedy, susme.
Samantala, hi and hello raw ang batian nila nina Mark at Jennylyn Mercado kapag nagkikita sila sa Gigsters.
At ang say ni Ryza, "Mas tsika ko po si ate Angel Locsin kasi magkasama kami sa Majika, sobrang bait po niya talaga." REGGEE BONOAN

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended