Gretchen, hanggang 4 p.m. lang puwedeng mag-shooting/taping
May 27, 2006 | 12:00am
After Judy Ann Santos at Piolo Pascual (Sa Piling Mo), sina Piolo at Claudine Barretto ang magkakatambal sa bagong teleserye na ididirek ni Direk Wenn Deramas sa ABS-CBN, ang Walang Kapalit.
Mabuhay kaya ang issue between Claudine and Piolo kahit may asawa na si Claudine? Or pumayag kaya ang Judy Ann-Piolo fans?
Nang gawin nina Claudine and Piolo ang pelikulang Milan, balitang nagkaroon ng instant relationship ang dalawa sa Milan.
But anyway, story of the past yun at settled na si Claudine kay Raymart Santiago.
Aside from Claudine/Piolo project, ididirek din ni Wenn ang isang teleserye for Anne Curtis na bawal pang i-reveal ang title, but definitely isa itong teleserye.
Sa June 15, magi-start na silang mag-taping ni Claudine habang sa July si Piolo. Sa September ang target airing ng Walang Kapalit.
Speaking of Direk Wenn, nakuwento niya na hindi naman nila ginalaw ang script kahit hindi kay Gretchen Barretto napunta ang role as wife ni Sen. Bong Revilla sa Kapag Tumibok Ang Puso, Not Once But Twice. Kung ano ang script nila noon na intended for Gretchen, untouched pa rin nang mapunta kay Miss International Precious Lara Quigaman.
Six shooting days lang si Lara. "Pero kung si Gretchen yun, malamang abutin kami ng seven to eight days kasi hanggang 4:00 p.m. lang puwedeng mag-shooting si Gretchen. Kailangang nasa bahay na siya bago dumating si Tony Boy (Cojuangco)," sabi ni Direk Wenn.
Hindi man gaanong kahabaan ang role ni Precious, sa kanya naman nag-umpisa ang kuwento ng movie at ang character din niya ang magtatapos ng kuwento ng latest offering ng Imus Productions.
At kahit baguhan pa lang sa acting si Lara, madali naman daw itong kumuha ng instructions say ni Direk Wenn.
Pero hindi naging consideration ni Direk ang pagiging international beauty title ni Precious para hindi niya ito pagalitan sa shooting.
"Madaling araw na kasi non at big scene, pagod na pagod at antok na ako - 2:30 am, eh 7:00 a.m. kami nag-start meaning mga 4:00 am pa lang gising na ako, so talagang napagalitan ko siya," sabi ni Direk. Pero hindi na niya na-specify kung anong rason ng pagsigaw niya kay Precious Lara.
Na-offend ba si Lara?
"No naman."
Nakikita niya kay Lara na puwede itong mag-excel as drama actress.
Package deal ni Direk si Eugene Domingo sa kanyang mga project. In fairness, hindi lang basta komedyante si Eugene. Graduate siya ng Theater Arts sa University of the Philippines na kinuha niya ng seven years.
Nagsimula ang kanilang deal sa Mula Sa Puso hanggang nagsunud-sunod na.
Believe si Direk kay Eugene na hindi naman nakakataka dahil hindi naman ito corny sa pagpapatawa.
"Magaling kasi talaga siya," sabi ni Direk.
Nakapitong movie project na si Direk - Mula Sa Puso (The Movie), Dahil Mahal Na Mahal Kita, Kung Ikaw Ay Isang Panaginip, Tanging Ina, Volta and The Lucky Ones. "Ngayon naghahanap na rin ako ng drama," biglang pahabol ni Direk.
Majority kasi ng mga nabanggit na pelikula ay comedy.
Matagal na palang sinulat ni Mel del Rosario ang script ng Kapag Tumibok Ang Puso, Not Once But Twice. Pero wala agad produ ang nakapansin sa kuwento ng movie.
At nang mapansin naman, nahirapan silang maghanap ng leading lady. "Lahat na yata ng actress sa Pilipinas naisip na namin. Pero hindi talaga bumagay. Pero nang pumasok ang pangalan ni AiAi, biglang nabago ang kuwento ng pelikula," say ng magaling na scriptwriter.
By the time na binabasa nyo ito, nasa Bicol - Sta. Elena Camarines Norte kami kasama si TJ Trinidad. Si TJ ang magka-crown ng nanalong Miss Sta. Elena para sa celebration ng Feast of St. Helena na Patron Saint ng aming bayan.
Join sa aming bayan si Tita Ethel Ramos na devotee ni St. Helena at Tita Nora Calderon.
Last year, dinumog sa Sta. Elena sina Diana Zubiri and Juliana Palermo nang mag-concert sila sa aming bayan kung saan ang proceeds ay napunta sa pinatatayong simbahan ng Sta. Elena.
Actually, hindi pa tapos ang nasabing church at on going pa ang construction.
Tama ang observation ng isang friend ko na hindi dapat ikino-compare ang acting nina Sarah Geronimo and Angelika dela Cruz sa Bituing Walang Ningning.
In the first place, hindi dapat pinagsasabong ang dalawa dahil wala naman talaga dapat comparison, bida si Sarah at kontrabida si Angelika.
Second, magkasama sila sa show at instead na i-push si Angelika lang, aba dapat ang programa para lalo pang tumaas ang rating.
Hay naku, hindi magandang PR strategy yung i-compare sina Sarah and Angelika.
Salve V. Asis e-mail - [email protected]
Mabuhay kaya ang issue between Claudine and Piolo kahit may asawa na si Claudine? Or pumayag kaya ang Judy Ann-Piolo fans?
Nang gawin nina Claudine and Piolo ang pelikulang Milan, balitang nagkaroon ng instant relationship ang dalawa sa Milan.
But anyway, story of the past yun at settled na si Claudine kay Raymart Santiago.
Aside from Claudine/Piolo project, ididirek din ni Wenn ang isang teleserye for Anne Curtis na bawal pang i-reveal ang title, but definitely isa itong teleserye.
Sa June 15, magi-start na silang mag-taping ni Claudine habang sa July si Piolo. Sa September ang target airing ng Walang Kapalit.
Six shooting days lang si Lara. "Pero kung si Gretchen yun, malamang abutin kami ng seven to eight days kasi hanggang 4:00 p.m. lang puwedeng mag-shooting si Gretchen. Kailangang nasa bahay na siya bago dumating si Tony Boy (Cojuangco)," sabi ni Direk Wenn.
Hindi man gaanong kahabaan ang role ni Precious, sa kanya naman nag-umpisa ang kuwento ng movie at ang character din niya ang magtatapos ng kuwento ng latest offering ng Imus Productions.
At kahit baguhan pa lang sa acting si Lara, madali naman daw itong kumuha ng instructions say ni Direk Wenn.
Pero hindi naging consideration ni Direk ang pagiging international beauty title ni Precious para hindi niya ito pagalitan sa shooting.
"Madaling araw na kasi non at big scene, pagod na pagod at antok na ako - 2:30 am, eh 7:00 a.m. kami nag-start meaning mga 4:00 am pa lang gising na ako, so talagang napagalitan ko siya," sabi ni Direk. Pero hindi na niya na-specify kung anong rason ng pagsigaw niya kay Precious Lara.
Na-offend ba si Lara?
"No naman."
Nakikita niya kay Lara na puwede itong mag-excel as drama actress.
Nagsimula ang kanilang deal sa Mula Sa Puso hanggang nagsunud-sunod na.
Believe si Direk kay Eugene na hindi naman nakakataka dahil hindi naman ito corny sa pagpapatawa.
"Magaling kasi talaga siya," sabi ni Direk.
Nakapitong movie project na si Direk - Mula Sa Puso (The Movie), Dahil Mahal Na Mahal Kita, Kung Ikaw Ay Isang Panaginip, Tanging Ina, Volta and The Lucky Ones. "Ngayon naghahanap na rin ako ng drama," biglang pahabol ni Direk.
Majority kasi ng mga nabanggit na pelikula ay comedy.
Matagal na palang sinulat ni Mel del Rosario ang script ng Kapag Tumibok Ang Puso, Not Once But Twice. Pero wala agad produ ang nakapansin sa kuwento ng movie.
At nang mapansin naman, nahirapan silang maghanap ng leading lady. "Lahat na yata ng actress sa Pilipinas naisip na namin. Pero hindi talaga bumagay. Pero nang pumasok ang pangalan ni AiAi, biglang nabago ang kuwento ng pelikula," say ng magaling na scriptwriter.
Join sa aming bayan si Tita Ethel Ramos na devotee ni St. Helena at Tita Nora Calderon.
Last year, dinumog sa Sta. Elena sina Diana Zubiri and Juliana Palermo nang mag-concert sila sa aming bayan kung saan ang proceeds ay napunta sa pinatatayong simbahan ng Sta. Elena.
Actually, hindi pa tapos ang nasabing church at on going pa ang construction.
In the first place, hindi dapat pinagsasabong ang dalawa dahil wala naman talaga dapat comparison, bida si Sarah at kontrabida si Angelika.
Second, magkasama sila sa show at instead na i-push si Angelika lang, aba dapat ang programa para lalo pang tumaas ang rating.
Hay naku, hindi magandang PR strategy yung i-compare sina Sarah and Angelika.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended