^

PSN Showbiz

Sino nga ba ang nagdadala ng ‘I Luv NY’ sina Jennylyn at Mark o Marvin at Jolina?

ISYU AT ABANAT - ISYU AT ABANAT Ni Ed De Leon -
Nakita namin ang resulta ng pinakahuling survey, lumalabas na di hamak na mas mataas ang ratings ng serye nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin kaysa sa lahat ng kanilang mga kasabay na shows. Kaya nga ang tuksuhan, mukhang sa ABS-CBN pa galing ang balang ibinaril sa kanila.

Pero tandaan ninyo, hindi basta maaangkin nina Marvin at Jolina ang kredito sa pagtaas ng ratings ng seryeng yan, dahil hindi naman maikakaila na malakas ang team up nina Mark Herras at Jennylyn Mercado.

Noon pang nakaraang taon, napatunayan na ng dalawa na kaya nilang gumawa ng isang hit movie. Nakagawa rin naman ng pelikula sina Jolina at Marvin noong panahon nila, pero hindi naging kasing laking hit ng pelikula nina Mark at Jennylyn, kaya kung sasabihin ngang iyon lamang takilya ang talagang sukatan ng popularidad ng isang artista, masasabi mo pa ngang mas malakas ang batak nina Mark at Jennylyn sa publiko.

Eh sa totoo lang naman, hindi mo maaaring pagbatayan ng popularidad ng isang artista ‘yang ratings lang sa telebisyon. Ano ang malay ninyo kung nagkataon lang na asar na ang mga tao sa kalaban nila kaya sila pinanonood? Eh sa takilya, naroroon ‘yong factor na kung hindi ka talaga gusto ng mga tao, hindi na lang sila manonood.

Pero ano man ang sabihin nilang dahilan, mataas talaga ang ratings niyang Marvin-Jolina, Mark-Jennylyn series dahil sa nakita naming survey ay 39% ang kanilang ratings, at mataas yan. Hindi biro ang ganyang rating. Pwede nang lumaban iyan sa Jewel In The Palace.

Mahihirapan na ang kanilang mga kalaban niyan.
* * *
Buong buwan ng Hunyo, nasa US naman si Kuya Germs. Magkakaroon siya ng isang show roon, tapos sa ibang mga araw ay haharapin naman niya ang promo ng Pinoy TV. Binibiro nga namin si Kuya Germs. Noong araw kasi kahit na may offer sa kanya na mag-show sa abroad, ayaw niya. Ngayong nakakatikim siya ng mataas na ratings sa kanyang tv show doon sa abroad, ganado na siya.

Sabi nga ni Kuya Germs, sa buong career niya, ang iniisip niya ay kung papaano pahahalagahan ang mga kapwa niya artista. Nakita naman ninyo rito, hanggang doon sa Walk of Fame, pera na niya ang ginagastos para lang parangalan ang mga kapwa niya artista.

Simula nga naman noong mag-umpisa ‘yang Pinoy TV, at lumabas na ang kanyang show ang highest rated program, aba eh star treatment ang ibinibigay sa kanya saan man siyang lugar bumisita. Kaya hindi mo naman masisisi si Kuya Germs kung ganado siya ngayon sa mga lakad sa abroad.
* * *
Halos tuwing madaling araw, nakikita ng mga "maid of honor" sa isang condominium na dinadalaw ng isang bading na matinee idol ang isang male model. Kaya nga raw ngayon, naniniwala na silang bading nga ‘yon, at hindi totoo ang pakikipag-loveteam noon sa isang sikat na dramatic actress. Kung umuwi raw ang bading na matinee idol sa tuwing dadalawin niya ang male model na love of his life ngayon ay after lunch na. Karaniwang ganoon din naman ang oras ng alis ng male model para sa kanyang trabaho. Ang tindi nila ano?

vuukle comment

ISANG

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

KAYA

KUYA GERMS

NAMAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with