Star Cinema, sali ulit sa MMFFP ’06!

Makalipas ang ilang taong hindi pagsali sa taunang Pista ng Pelikulang Pilipino, nagpalista ito ng tatlong entries, ang Tanging Pamilya, isang comedy; Huwag Kang Lilingon, horror at Kasal, Kasali, Kasalo, romantic comedy.

Sa Martes, Mayo 30 malalaman kung alin sa mga ito ang makakasali sa Metro Manila Film Festival Philippines ‘06’. Ihahayag na ni Bayani Fernando, chairman ng MMFFP ‘06 at MMDA ang 10 mapipiling pelikula na makakasali sa Pista.

Isang 14-man selection and screening committee na pinamunuan nina Las Piñas Mayor Imelda Aguilar at Marikina City Training Director for Excellence Julie Borje, ang nag-screen ng lahat ng entries at pumili ng 10 pelikula.
* * *
Bonggang-bongga ang album launch ni Gary Valenciano ng kanyang "Relevance" album mula sa Universal Records na ginanap sa Cinema 4 ng SM Megamall. Inawit ni Gary V ang pito sa 10 track ng album sa saliw ng isang live band.

Ang carrier song ng album ay pinamagatang "Wait Forever" na mayro’n nang video na ipinalalabas sa MYX at MTV music channels.

May contribution ang anak ni Gary na si Kiana sa loob ng album, ang 2006 version ng "Huwag Mo Na Sanang Isipin". May kolaborasyon naman sila ni Gerard Salonga na siyang nag-conduct ng orchestra para sa awiting "Even For a While" at Mon Faustino na siyang nag-prodyus at nag-areglo ng "Another Lifetime".

Ilan sa gumawa ng mga awitin kay Gary V para sa album ay sina Jude Thaddeaus Gitamondoc, Francis Funa, at Richard Cayabyab. Isang grupo ng mga Scandinavian ang gumawa ng "You Gave Me A Reason", ito rin ang grupo na nag-kompos ng mga hits nina Britney Spears ("Baby One More Time", "Oops, I Did It Again"), Backstreet Boys ("I Want It That Way") at Kelly Clarkson ("Since You’ve Been Gone").
* * *
Hindi tulad ng maraming endorser si Cory Quirino, beauty guruTV host, na agad-agad ay tinatanggap ang produktong ipina-iendorso sa kanya. Anim na buwan muna niyang sinubukan ang Pineapple with Papaya soap ng Oils & Herbs bago siya pumayag na iendorso ito.

"Sinubukan ko muna ito sa akin at nang makasiguro ako na safe ito, saka lamang ako pumayag," sabi ng magandang TV host ng The Good Life sa Studio 23 na ang advocacy ay spreading the gospel of beauty and wellness. Katunayan, nakapagsulat na siya ng tatlong libro about beauty, ang ikatlo ay Tagalog version ng librong Forever Young.

Ang Pineapple with Papaya soap ay nagtataglay ng Pretty Woman, isang French perfume na may Victoria Secret scent at di lamang naglilinis ng ating mga balat kundi nagpapabata pa at nagpapakinis nito. Ito ang kabutihang dulot ng Alpha Hydroxy Acid (AHA), isang anti-ageing agent, bromelain, isang enzyme na nagpapalusog ng balat at papain na nag-aalis ang mga dead skin. Taglay ng Pineapple Soap ang tatlong sangkap na ito.
* * *
May mall tour ang grupong Solace para i-promote ang album nilang "Never Easy" mula sa Paragon Music.

Makikita at maririnig sina Chad Canares, singer/songwriter; Sam Codilla, guitarist; Rodney Vidanes, bassist at Herz Fremista, drummer ng Solace, sa May 26-SM Manila, May 27-SM San Lazaro, June 2-SM Megamall, June 3-SM Bicutan, June 16- SM Molino, June 23-SM Fairview, June 25-SM Clark at June 30-SM North Edsa.

Ang "Never Easy" ay ipinamamahagi ng Able Music International Inc.

Show comments