Benj Pacia, mas piniling bf ni Iwa Moto kesa kina Marky Cielo at Gian Carlos

Nag-hire ng sign language instructor ang Heaven’s Best Entertainment tuwing may eksena si Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista sa Umaaraw Umuulan para turuan siya ng tamang sign language. Pipi (pero, hindi bingi) ang role ni Vice sa digital movie na sila ring magkakapatid ang producer.

Si Herbert ang narrator ng movie at kung paano ito nangyari’t pipi siya, malalaman ‘pag pinanood ninyo ang pelikula sometime in July. Tribute nila ito kay director Luigi Santiago na siyang may idea ng story kaya lang, maagang nawala’t hindi nakita ang katuparan ng kanyang dream na makapag-direk ng pelikula.

May inihahanda nang next movie project ang Heaven’s Best at co-producer din sila ng Luna Awards this year. Ipo-produce din nila ang reunion album ng Bagets kung saan, kabilang si Herbert. Hindi pa ito ipinasusulat ni Vice pero, inunahan na namin. End ng June raw ang release ng album kung saan, kasama rin ang leading ladies nila sa Bagets movie gaya nina Eula Valdez, Jobelle Salvador at Yayo Aguila. Simula lang ang album na project ng grupo and who knows baka, magka-TV show at pelikula pa sila. So, expect a reunion of Herbert, William Martinez, Raymond Lauchengco, Ramon Christopher, Francis M. and Aga Muhlach.
* * *
"Malapit lang naman," ang pabirong sagot ni Patrick Garcia sa tanong kung bakit siya lumipat sa GMA-7. "I wanted to explore," naman ang sabi nito sa kanyang pag-oober da bakod at desidido siya dahil kinuha si Arnold Vegafria para maging manager niya. Swerte ang actor dahil isinama siya sa Captain Barbell at malaki’t maganda pa ang role as Levi, kaibigan ni Teng (Richard Gutierrez).

Ayon kay Patrick, maayos siyang nagpaalam kay director Johnny Manahan at nagpasalamat siyang ini-release siya sa kanyang kontrata kahit this month pa lang magtatapos. Ang katuwiran nito’y trabaho lang ang kanyang ginagawa.

Hindi sinagot ni Patrick kung nag-counter offer ang Ch. 2. Ang sinabi lang nito, kahit may counter offer, hindi rin niya tatanggapin. Ang taray nang sinabi nitong "I’m not for the money. I really want to work with other people."
* * *
Nakakatawa ang tsikang pinag-aagawan si Iwa Moto nina Marky Cielo, Gian Carlos at Benj Pacia dahil taken na ang dalaga. Boyfriend na niya si Benj since February of this year. Muntik silang mag-break pero, napigilan din.

Kaya, seven ang rating na ibinigay ni Iwa kay Benj nang ipa-rate ang three boys sa Nuts Entertainment dahil dyowa na niya ito. May mga kapitbahay ang binata sa San Fernando, Pampanga na kilala namin ang nagkukwentong nakikita nila si Iwa sa bahay ng bf para siguro makipag-bonding sa pamilya nito. May nakakita rin sa kanila a few weeks ago na kumakain sa King’s Royal Hotel sa San Fernando, Pampanga pa rin at very sweet sila. Idinadaan na lang daw ni Benj sa ngiti tuwing inili-link sa iba ang gf.

Samantala, naunahan ni Iwa Moto si Jackie Rice na magka-pelikula’t dalawa ang magkasunod na ginawa. Una’y ang digital movie na Pitong Dalagita at ang horror movie ng Regal na White Lady na may June playdate sa direksyon ni Jeff Tan. Nitz Miralles

Show comments