Naghanda si Paolo sa karakter na gagampanan, nag-workout ito. Hindi siya tumatawa sa telefantasya at kailangang magmemorya ng mahabang linya.
"Saan ka nahirapan sa telefantasya?" tanong namin.
"Sa mga fight scenes kung saan manu-mano ang labanan. Puro pasa ang naranasan ko habang tinuturuan ako ng mga fight instructors. At least, napatunayan ko na hindi lang ako isang TV host kundi maaasahan din sa aksyon," aniya.
Sinabi pa rin ng actor-TV host na kaya siguro siya napili sa role ay dahil pwede siyang maging tatay, maging authoritive, gentle at may asawa.
Mula sa direksyon ni Mike Tuviera at Dominic Zapata, magsisimula ang maaksyong kwento ni Captain Barbell.
Sa kabilang banda, sinabi ni Paolo na hindi naman natsugi ang Extra Challenge. Pahinga muna sila. May bagong show siya sa GMA pero, hindi ito daily gaya ng EC kundi every Sunday titled Pinoy Meets World. Isa itong travelogue kung saan makakasama niya si Miriam Quiambao.
"Nagtataka nga ako kung bakit may balita na inili-link ako kay Barbie Almalbis. Hindi naman kami close sa isat isa at di ko pa siya nakakasama sa trabaho. Kahit nga kay Stella Ruiz ay inili-link din ako. Hindi totoo ang mga yan," anang singer.
Masaya si Aiza sa kanyang mahal ngayon na lagi niyang kasa-kasama sa kanyang mga shows. Maganda ang girl at ito ang nagbabantay sa kanya ngayon lalo na at iba ang pinagkakaabalahan ni Mommy Caring.
Kasama ito sa pelikulang All About Love ng Star Cinema bilang kapatid ni Jason Abalos gayundin sa Manny Pacquiao Movie.
Ilan sa cartoons na nai-dub nito ay Herkarian, Inuyasha at Machine Robo. Nagpunta siya ng Japan last year as official delegate sa Childrens World Summit for the Environment.
Fourteen years old na si Bryan at high school student sa La Salle Greenhills.
Hindi mo aakalain na sa likod ng napaka-sweet na imahe nito ay may masama siyang bisyo!