Masaya na sa pagma-manage ng kanyang comedy bar si KC, ang Gratitude Comedy Bar na matatagpuan sa Quirino Ave, nang tumanggap siya ng alok mula sa EFB Production Film na lumabas sa isang digital film na pinamagatang Hada. Tatanggi ba siya lalot siya ang bidang babae? Isa pa, miss na niya ang paggawa ng pelikula.
Pinakamalaking dahilan para balikan niya ang pag-aartista ay kakaiba ito sa mga ginawa niyang pelikula nun na pawang mga sexy. Ito ay isang suspense thriller na nasa direksyon ng isang bagong direktor, si Lau de Jesus, graduate ng film directing sa Asian Institute of Films at nag-aral din ng filmmaking sa UP. Naging estudyante siya ni Marilou Diaz Abaya.
Bida rin sa pelikula sina Emilio Garcia, Richard Quan, Tita Swarding at ang apat na kabataang lalaki na pumasa audition na ibinigay ng kumpanya Beejay Morales, Nash Randell, Jersey MiIano at Jiggy Ashday.
Bwenas din sa negosyo niya ang pagkakasali niya sa Hada. Ginamit ang bar niya para sa shooting ng pelikula at maging ang kanyang catering service.
"Hindi naman sa pagmamalaki, kahit marami kaming katabing mga bars, marami rin ang pumupunta sa Gratitude lalo na nung concert ng Cueshe. May nakatakda kaming Battle of the Bands. Sa July 8, Aug. 8 at Sept, 8, gaganapin dito ang Mr., Ms. at Gay Body Looks 2006.
"Hindi pa completely finished ang construction ng place. Bago ang mga events na ito, Im sure, tapus na tapos na kami," sabi ng napakaganda pa ring sexy star na isa ring mahusay na negosyante.
Madalas mamataan na bumibili nito ang isang young actor na pinagdududahan ang gender, isang young actress na ito ang ginagamit at hindi ang produkto na kanyang ini-endorse at isang may edad nang beauty queen na takot magpa-galaw ng mukha at katawan sa mga cosmetic surgeons. Pero, aamin kaya sila sa produktong tunay na nagpapaganda sa kanila?
Lehitimong Navoteño si Gerald na madalas, mag-perform sa mga ispesyal na okasyon ng lungsod, tulad nung centennial celebration nito nung Enero.