Aifa, asar kay Johlan!

Matagal na palang asar si Aifa Medina kay Johlan Veluz, ang sinasabing gf ni Kirby de Jesus ngayon. Hindi feel ni Aifa yung pumapapel si Johlan at nagpapalapad ng papel nang nakikita niya. Kaya nagkaroon sila ni Johlan ng confrontation na nauwi sa sabunutan at sampalan. Kung naroroon lang marahil si Kirby, hindi niya matatagalan ang pagsabunot sa buhok ni Johlan.

"Wala akong pakialam kesehodang mahal magpa-parlor. Basta galit ako, ibinubuhos ko," say ni Aifa. Balanse naman ang labanan sa bawat sampal at sabunot ni Aifa, may kapalit ding ganti si Johlan.

"Sinumang manampal sa akin, tiyak makakatikim. Wag lang nanay kong mananampal ha!" say ni Johlan. Small but terrible pala ang byuti nito kaya’t hindi nakalusot si Aifa.

Pero teka, wag n’yong seryosohin ang kwento dahil sa eksena lang ng Daisy Siete, Nasaan Ka?, nangyari ang sampalan.

Sabi ni Aifa, sa tunay na buhay hindi masama ang ugali niya. Naloloka nga raw siya dahil kapag nasa SM siya, lahat ng mga tagahanga ng Sexbomb, nakairap at masama ang tingin sa kanya.

Ganito raw pala ang buhay sa showbiz, kapag kontrabida ang papel mo. Nilalait-lait kahit marami kang friends na kasama. Ok lang naman kay Aifa, kasi ibig sabihin, epektibo ang pagganap niya. – Vir Gonzales<

Show comments