Kung ang mga fans lamang nina Juday at Piolo ang tatanungin, mas gusto pa rin nila siyempre na sina Juday at Piolo ang magkatuluyan pero malabo na itong mangyari dahil masaya na si Juday sa piling ni Ryan Agoncillo.
Si Rica ay matagal na ring loveless matapos nilang mag-break ng kasamahan ni Piolo sa The Hunks na si Bernard Palanca na nakatagpo na rin ng bagong mamahalin sa katauhan ni Meryll Soriano. Parehong unattached sina Rica at Piolo kaya walang problema kung silang dalawa man ang magkatuluyan. Katunayan, close na si Rica sa family ni Piolo at ganoon din naman si Piolo sa family ni Rica.
Kung hindi seryoso si Piolo sa kanyang intention kay Rica, bakit kinailangan pa nitong magsabi kay Bernard considering na matagal nang break ang dalawa?
Samantala, gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na hindi na umano ganoon ka-close ngayon sina Juday at Piolo tulad ng dati? May kinalaman kaya ito sa naging komento noon ni Piolo na siyang naging dahilan para mag-react ang kasintahan ni Juday na si Ryan?
Kung si Piolo lamang ang masusunod, gusto niyang maging kaibigan si Juday forever kahit may kani-kanya na silang respective partners. Hindi rin maikakaila na super lakas ang team-up nina Juday at Piolo mapa-pelikula o telebisyon man.
Unang tambalan nina Sen. Bong Revilla at Aiai ang Kapag Tumibok Ang Puso... kaya thrilled to death ang comedy concert queen na siyay napisil ng batang senador na makapareha sa pelikula.
"Who would ever think na maiisip ako ni Sen. Bong na makapareha niya sa pelikula? Nung una talaga ay hindi ako makapaniwala. Naniwala lang ako nang ibigay sa akin ang script at magsimula kaming mag-shooting," kuwento ni Aiai nang minsan namin siyang makakuwentuhan sa set ng pelikula nila ni Senador Bong.
"Working with Sen. Bong is one experience na hindi ko makakalimutan," aniya.
Nahihiya nga si Aiai na wala siya sa presscon at promo ng pelikula pero pipilitin umano niyang makabalik kaagad para makahabol siya sa last stretch ng promo lalupat sa June 14 na ang showing nito.
Naging acting debut ni Lara ang kanyang guesting sa Magpakailanman ni Mel Tiangco kung saan isinadula ang kanyang buhay. Pero kung siya umano ang masusunod, mas gusto niyang mag-host ng isang magazine program o di kaya maging news anchor.
Naka-six shooting days lamang siya sa Kapag Tumibok Ang Puso pero it was an experience na hinding-hindi umano niya makakalimutan. Hindi rin nagreklamo si Lara na gampanan niya ang role ng asawa ni Bong na may dalawang anak na ginampanan nina Inah Revilla at Aaron Junatas. Pero ang isang bagay na hindi pinayagan ni Lara ay ang magkaroon sila ng kissing scene ni Bong sa pelikula na nirespeto naman ng mister ni Lani Mercado.
Hindi rin ikinakaila ni Lara na na-starstruck umano siya kay Bong at sa iba pa niyang mga kasamahan sa pelikula.
Sometime in September and October ay nakatakdang umalis si Lara patungong Amerika, Japan at sa China kung saan gaganapin ang Miss International pageant sa taong ito.
Aminado si Lara na nahirapan umano siya sa dubbing na first time din niyang ginawa
Mula sa aming pamilya, ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga taong nakiramay sa pagyao ni Mana Seding. Dalangin namin ang kanyang walang katapusang kapayapaan sa piling ng Panginoong Diyos.