Piolo at Rica, seryosohan na ang relasyon
May 22, 2006 | 12:00am
Sa tingin ng mga taong malapit sa kanila, mukhang seryoso na ang relasyon nina Piolo Pascual at Rica Peralejo na umusbong sa set ng teleseryeng Sa Piling Mo na tinatampukan din nina Judy Ann Santos at Albert Martinez.
Kung ang mga fans lamang nina Juday at Piolo ang tatanungin, mas gusto pa rin nila siyempre na sina Juday at Piolo ang magkatuluyan pero malabo na itong mangyari dahil masaya na si Juday sa piling ni Ryan Agoncillo.
Si Rica ay matagal na ring loveless matapos nilang mag-break ng kasamahan ni Piolo sa The Hunks na si Bernard Palanca na nakatagpo na rin ng bagong mamahalin sa katauhan ni Meryll Soriano. Parehong unattached sina Rica at Piolo kaya walang problema kung silang dalawa man ang magkatuluyan. Katunayan, close na si Rica sa family ni Piolo at ganoon din naman si Piolo sa family ni Rica.
Kung hindi seryoso si Piolo sa kanyang intention kay Rica, bakit kinailangan pa nitong magsabi kay Bernard considering na matagal nang break ang dalawa?
Samantala, gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na hindi na umano ganoon ka-close ngayon sina Juday at Piolo tulad ng dati? May kinalaman kaya ito sa naging komento noon ni Piolo na siyang naging dahilan para mag-react ang kasintahan ni Juday na si Ryan?
Kung si Piolo lamang ang masusunod, gusto niyang maging kaibigan si Juday forever kahit may kani-kanya na silang respective partners. Hindi rin maikakaila na super lakas ang team-up nina Juday at Piolo mapa-pelikula o telebisyon man.
Nasa Amerika si Aiai de Alas kasama nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid at Rico J. Puno para sa isang concert tour kaya hindi ito nakadalo sa unang presscon ng pelikulang Kapag Tumibok ang Puso Not Once But Twice na pinamahalaan ni Wenn Deramas.
Unang tambalan nina Sen. Bong Revilla at Aiai ang Kapag Tumibok Ang Puso... kaya thrilled to death ang comedy concert queen na siyay napisil ng batang senador na makapareha sa pelikula.
"Who would ever think na maiisip ako ni Sen. Bong na makapareha niya sa pelikula? Nung una talaga ay hindi ako makapaniwala. Naniwala lang ako nang ibigay sa akin ang script at magsimula kaming mag-shooting," kuwento ni Aiai nang minsan namin siyang makakuwentuhan sa set ng pelikula nila ni Senador Bong.
"Working with Sen. Bong is one experience na hindi ko makakalimutan," aniya.
Nahihiya nga si Aiai na wala siya sa presscon at promo ng pelikula pero pipilitin umano niyang makabalik kaagad para makahabol siya sa last stretch ng promo lalupat sa June 14 na ang showing nito.
Unang pelikula ni Precious Lara Quigaman ang Kapag Tumibok Ang Puso. May isa rin siyang digital film na ginagawa kung saan naman niya katambal si Ryan Agoncillo. Nang tanungin namin siya (Lara) kung tuluy-tuloy na ang kanyang showbiz career, hindi pa nito masabi although nagbigay siya ng 90%. Kailangan pa kasing tapusin muna ni Lara ang kanyang mga commitments sa Bb. Pilipinas at ang kanyang pagiging Miss International na magtatapos sa taong ito.
Naging acting debut ni Lara ang kanyang guesting sa Magpakailanman ni Mel Tiangco kung saan isinadula ang kanyang buhay. Pero kung siya umano ang masusunod, mas gusto niyang mag-host ng isang magazine program o di kaya maging news anchor.
Naka-six shooting days lamang siya sa Kapag Tumibok Ang Puso pero it was an experience na hinding-hindi umano niya makakalimutan. Hindi rin nagreklamo si Lara na gampanan niya ang role ng asawa ni Bong na may dalawang anak na ginampanan nina Inah Revilla at Aaron Junatas. Pero ang isang bagay na hindi pinayagan ni Lara ay ang magkaroon sila ng kissing scene ni Bong sa pelikula na nirespeto naman ng mister ni Lani Mercado.
Hindi rin ikinakaila ni Lara na na-starstruck umano siya kay Bong at sa iba pa niyang mga kasamahan sa pelikula.
Sometime in September and October ay nakatakdang umalis si Lara patungong Amerika, Japan at sa China kung saan gaganapin ang Miss International pageant sa taong ito.
Aminado si Lara na nahirapan umano siya sa dubbing na first time din niyang ginawa
Isa na namang exciting episode ang nakatakdang matunghayan sa Bahay Mo Ba To bukas ng gabi sa GMA-7 na tinatampukan nina Ronaldo Valdez, Tessie Tomas, Gladys Reyes, Wendell Ramos, Keempee de Leon, Francine Prieto, Sherilyn Reyes, Mike Pekto Nacua, Sunshine Dizon, Dino Guevarra, Tiya Pusit at iba pa.
Personal: Nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan sa Borongan Cemetery ang aming eldest sister na si Praxedes Amoyo-Ibao ngayong alas-2 ng hapon (Lunes) pagkatapos ng misa sa Borongan Cathedral.
Mula sa aming pamilya, ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga taong nakiramay sa pagyao ni Mana Seding. Dalangin namin ang kanyang walang katapusang kapayapaan sa piling ng Panginoong Diyos.
<[email protected]>
Kung ang mga fans lamang nina Juday at Piolo ang tatanungin, mas gusto pa rin nila siyempre na sina Juday at Piolo ang magkatuluyan pero malabo na itong mangyari dahil masaya na si Juday sa piling ni Ryan Agoncillo.
Si Rica ay matagal na ring loveless matapos nilang mag-break ng kasamahan ni Piolo sa The Hunks na si Bernard Palanca na nakatagpo na rin ng bagong mamahalin sa katauhan ni Meryll Soriano. Parehong unattached sina Rica at Piolo kaya walang problema kung silang dalawa man ang magkatuluyan. Katunayan, close na si Rica sa family ni Piolo at ganoon din naman si Piolo sa family ni Rica.
Kung hindi seryoso si Piolo sa kanyang intention kay Rica, bakit kinailangan pa nitong magsabi kay Bernard considering na matagal nang break ang dalawa?
Samantala, gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na hindi na umano ganoon ka-close ngayon sina Juday at Piolo tulad ng dati? May kinalaman kaya ito sa naging komento noon ni Piolo na siyang naging dahilan para mag-react ang kasintahan ni Juday na si Ryan?
Kung si Piolo lamang ang masusunod, gusto niyang maging kaibigan si Juday forever kahit may kani-kanya na silang respective partners. Hindi rin maikakaila na super lakas ang team-up nina Juday at Piolo mapa-pelikula o telebisyon man.
Unang tambalan nina Sen. Bong Revilla at Aiai ang Kapag Tumibok Ang Puso... kaya thrilled to death ang comedy concert queen na siyay napisil ng batang senador na makapareha sa pelikula.
"Who would ever think na maiisip ako ni Sen. Bong na makapareha niya sa pelikula? Nung una talaga ay hindi ako makapaniwala. Naniwala lang ako nang ibigay sa akin ang script at magsimula kaming mag-shooting," kuwento ni Aiai nang minsan namin siyang makakuwentuhan sa set ng pelikula nila ni Senador Bong.
"Working with Sen. Bong is one experience na hindi ko makakalimutan," aniya.
Nahihiya nga si Aiai na wala siya sa presscon at promo ng pelikula pero pipilitin umano niyang makabalik kaagad para makahabol siya sa last stretch ng promo lalupat sa June 14 na ang showing nito.
Naging acting debut ni Lara ang kanyang guesting sa Magpakailanman ni Mel Tiangco kung saan isinadula ang kanyang buhay. Pero kung siya umano ang masusunod, mas gusto niyang mag-host ng isang magazine program o di kaya maging news anchor.
Naka-six shooting days lamang siya sa Kapag Tumibok Ang Puso pero it was an experience na hinding-hindi umano niya makakalimutan. Hindi rin nagreklamo si Lara na gampanan niya ang role ng asawa ni Bong na may dalawang anak na ginampanan nina Inah Revilla at Aaron Junatas. Pero ang isang bagay na hindi pinayagan ni Lara ay ang magkaroon sila ng kissing scene ni Bong sa pelikula na nirespeto naman ng mister ni Lani Mercado.
Hindi rin ikinakaila ni Lara na na-starstruck umano siya kay Bong at sa iba pa niyang mga kasamahan sa pelikula.
Sometime in September and October ay nakatakdang umalis si Lara patungong Amerika, Japan at sa China kung saan gaganapin ang Miss International pageant sa taong ito.
Aminado si Lara na nahirapan umano siya sa dubbing na first time din niyang ginawa
Mula sa aming pamilya, ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga taong nakiramay sa pagyao ni Mana Seding. Dalangin namin ang kanyang walang katapusang kapayapaan sa piling ng Panginoong Diyos.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended