Paul Anka, mabait pa rin at gentleman!
May 22, 2006 | 12:00am
Hindi pa man ipinalalabas ang I Luv NY ay nilalait-lait at hinuhusgahan na agad ito. Pero ngayon sila magsalita pagkatapos na simulang ipalabas last Monday. Laging maganda ang rating nito.
Patunay ito na malakas talaga ang team-up nila Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Jennylyn Mercado at Mark Herras at hindi nagkamali ang GMA 7 na pagsamahin silang apat.
Siyempre congratulations din kay Direk Louie Ignacio sa mahusay na patnubay sa I Luv NY.
Hindi ko talaga pinalampas ang concert ni Paul Anka nung nakaraang linggo sa Araneta Coliseum.
Nagkita kami sa backstage ng Araneta Coliseum ni Paul at nasorpresa siya dahil nagawa ko pang itago ang picture na magkasama kami sa Student Canteen nang mag-guest siya noon. Kasama rin ako noon sa nasabing show.
Hayaan nyo dahil ipapakita ko sa aking show (Walang Tulugan) ang before and now picture namin ni Paul Anka.
Napakabait at gentleman pa rin ni Paul Anka nang makausap siya sa ikalawang pagkakataon. Punung-puno ang kanyang second night concert at ang mga nanood ay pawang mga puti na ang mga buhok. Sampung beses ata siya sa kapapabalik-balik sa stage dahil ayaw pa siyang bitawan ng mga manonood ng gabing yun.
Sino ba ang makakalimot sa kanya sa pamamagitan ng mga pinasikat niyang mga kanta tulad ng "Puppy Love," "My Way" at marami pang iba.
Sa pagpunta kaya ng singer na si Engilbert Humperdick ay ganito rin kaya katagumpay ang kanyang magiging show?
Anyway bago ang lahat, salamat kina Mam Tess at Boss Vic Del Rosario sa pagbibigay nila sa akin ng complimentary ticket sa show ni Paul Anka. Salamat po uli at sa uulitin!!
Isa na namang nakakagulat na palabas ang ihahandog ng GMA Kapuso. Itoy walang iba kundi ang Captain Barbell.
Costume palang ay lubos na ikinatutuwa na ni Richard Gutierrez dahil talagang ginastusan at pinaganda ito. Sa Amerika pa ito ipinagawa
Special na palabas ito dahil big budgeted series na talagang ginastusan ng istasyon. Abangan po natin ito.
Kung hindi tinira ang pelikulang The Da Vinci Code hindi sana ito dinudumog ng mga manonood ngayon.
Siyempre lalong na-curious ang mga tao kung bakit ba hinaharang ang pelikula. Nakuha sa publisidad na libre ang movie kung kaya kahit na ang walong sinehan sa Gateway na puro The Da Vinci Code ay napakahaba pa rin ng pila.
Sabagay nasa tao naman iyan. Puwede naman nilang panoorin ito for the sake of curiosity at tingnan kung ano ang mali.
Salamat din pala sa mga embahada ng Bharain, Kuwait at Dubai nung magpunta kami roon nung isang linggo.
Kahit saang sulok kami magpunta ay "walang tulugan" ang sigaw ng mga kababayan nating Pilipino roon. Patunay lang na tinatangkilik nila ang programang Mastershowman sa pamamagitan ng Pinoy TV ng GMA 7 doon.
Patunay ito na malakas talaga ang team-up nila Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Jennylyn Mercado at Mark Herras at hindi nagkamali ang GMA 7 na pagsamahin silang apat.
Siyempre congratulations din kay Direk Louie Ignacio sa mahusay na patnubay sa I Luv NY.
Nagkita kami sa backstage ng Araneta Coliseum ni Paul at nasorpresa siya dahil nagawa ko pang itago ang picture na magkasama kami sa Student Canteen nang mag-guest siya noon. Kasama rin ako noon sa nasabing show.
Hayaan nyo dahil ipapakita ko sa aking show (Walang Tulugan) ang before and now picture namin ni Paul Anka.
Napakabait at gentleman pa rin ni Paul Anka nang makausap siya sa ikalawang pagkakataon. Punung-puno ang kanyang second night concert at ang mga nanood ay pawang mga puti na ang mga buhok. Sampung beses ata siya sa kapapabalik-balik sa stage dahil ayaw pa siyang bitawan ng mga manonood ng gabing yun.
Sino ba ang makakalimot sa kanya sa pamamagitan ng mga pinasikat niyang mga kanta tulad ng "Puppy Love," "My Way" at marami pang iba.
Sa pagpunta kaya ng singer na si Engilbert Humperdick ay ganito rin kaya katagumpay ang kanyang magiging show?
Anyway bago ang lahat, salamat kina Mam Tess at Boss Vic Del Rosario sa pagbibigay nila sa akin ng complimentary ticket sa show ni Paul Anka. Salamat po uli at sa uulitin!!
Costume palang ay lubos na ikinatutuwa na ni Richard Gutierrez dahil talagang ginastusan at pinaganda ito. Sa Amerika pa ito ipinagawa
Special na palabas ito dahil big budgeted series na talagang ginastusan ng istasyon. Abangan po natin ito.
Siyempre lalong na-curious ang mga tao kung bakit ba hinaharang ang pelikula. Nakuha sa publisidad na libre ang movie kung kaya kahit na ang walong sinehan sa Gateway na puro The Da Vinci Code ay napakahaba pa rin ng pila.
Sabagay nasa tao naman iyan. Puwede naman nilang panoorin ito for the sake of curiosity at tingnan kung ano ang mali.
Kahit saang sulok kami magpunta ay "walang tulugan" ang sigaw ng mga kababayan nating Pilipino roon. Patunay lang na tinatangkilik nila ang programang Mastershowman sa pamamagitan ng Pinoy TV ng GMA 7 doon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended