Twenty four years old na si Manuelito at may taas na 64". Pinoy na Pinoy ito sa kanyang kulay, di tulad ng lima niyang nakababatang mga kapatid na may mestizo features. Ayon kay Melanie ay inalok na itong maging modelo ng Levis at ipinagdarasal niyang magtuluy-tuloy ito.
"Para magkaron siya ng pera. Very independent ang anak ko, ayaw niyang nanghihingi at kahit magkahiwalay sila ng ama niya ay mahal na mahal niya ito. Kabibili lamang nito ng kanyang kotse," pagmamalaki ni Melanie sa launching ng New Placenta ng Psalmstre, isang skin whitening at anti-ageing soap na kahit anim na taon lamang ay nagunguna na sa market ngayon. Gawa ito mula sa mga bulaklak at fruit extracts. May bagong chemist na kinuha ang kumpanya from Germany para ma-improve ang bisa ng sabon at iba pang produkto ng Psalmstre.
"Hindi ko ito iiendorso kung di ko nakita ang magandang resulta nito sa akin. Kita nyo naman ang face at skin ko, di ba parang sa bata?" pagmamalaki ng dating Miss International at ina ng lima pang anak bukod kay Manuelito sina Mazeemene, 16, 61"; Maxine, 14, 55"; Michelle, 11; Adam, 4 at Abraham, 2 yrs old.
Dalawang pelikula ang nakatakda niyang gawin sa Journey Pictures Productions ni Mr. Rei Diaz Yumol, ang digital movie na Sikil at ang Saddiq kasama sina Dinna Bonnevie Jay Manalo at Allen Dizon sa direksyon ni Mel Chionglo at istorya ni Ricky Lee. Aktibistang kapatid ni Allen ang role ni Alvien.
32 na kalalakihan ang tinalo ni Alvien para makuha ang titulo. Nakuha rin niya ang mga titulong "Mr. Photogenic", "Best In Barong" at "Chairmans Choice Award".
Nag-iisang lalaki si Alvien sa tatlong magkakapatid, nasa gitna siya. Magiging representative siya ng bansa sa Mr. Asia Universe 2006 na magaganap sa Istanbul, Turkey sa buwan ng Setyembre.