Aga, Bayani at Edu, sabay-sabay, ikakasal!

Aga Muhlach, ikakasal kay Mariel Rodriguez? Well, totoo. Pero not in real life kundi sa sitcom lang nilang Ok Fine Whatever na ngayon ay may bagong title na, Ok Fine, Oh Yes ng ABS-CBN.

Sa kanilang ika-four years sa ere, hindi lang si Aga ang ikakasal dito, kundi maging sina Bayani Agbayani and Edu Manzano. Si Bayani, ikakasal sa Australianang si Jacinta James samantalang si Edu ay kay Cassandra Ponti.

May mangyayaring tragedy kaya biglang mag-aasawa ang tatlo.

Na-retain lang sa cast ang tatlo plus Ms. Gloria Romero at bagong pasok na si Mr. Jun Urbano na lalabas na tatay ng tatlong bride nina Aga, Edu and Bayani.

Since magsisimula ang bagong chapter ng Ok Fine..., iba na rin ang setting nila. Pupunta sila sa mas ‘sosyal’ na lugar.

Mapapanood ang bagong chapter ng Ok Fine... starting May 29 after ABS-CBN Primetime Bida.
* * *
Makabog kaya ang ABS-CBN at GMA 7 sa pagsisimula ng Philippine Idol ng ABC 5?

Parang... Kasi no’ng minsan kahit bagyo, hindi napigilan ang daan-daang kababayan natin na gustong maka-join sa first Philippine Idol sa bansa sa ginawang Fast Tracks sa SM Fairview kamakailan. ‘Yun ay kahit bagyo. Ayon sa Philippine Idol updates, alas-siyete pa lang ng umaga, nakaabang na sa labas ng SM ang mga sasali sa Fast Tracks pero hanggang 150 lang ang cut-off sa bawat Fast Tracks. Pero ‘wag ma-disappoint dahil ang hindi nakasali, may chance pang pumunta sa ibang Fast Tracks venue na gaganapin nationwide or sa main audition na mismo sa June 3 sa PICC.

Tulad sa Amerika, kung anu-anong talent ang ipinakita sa mga Fast Tracks.

"Mayroong nag-ala-William Hung without the dancing, meron namang feel na feel ang kanta kahit wala sa tono at meron din namang mala-rocker Chris Daughtry ang dating. Ang ibang sumali ay may kanya-kanyang bagong istorya din. Mayroon ngang nag-audition na galing pa sa kanyang shift sa call center, as in wala pa siyang tulog pero nagtungo sa SM para makasali sa Phil Idol. Meron ding ladyguard, na talagang pinalakpakan nang kumanta ng Aegis song, na nag-off sa kanyang duty para lang sa Philippine Idol. Ang mga iba pa ngang hindi nakapapasok sa top 10 sa SM Fairview ay nagbaka-sakali pa rin sa SM Megamall," ayon sa update ng Philippine Idol.

Para sa hindi pa nakakaalam, ang Fast Tracks ay nagbibigay sa interested applicants ng chance para ma-pre-screened at makapunta ng mabilis sa audition’s proper. Ang mga mapipili sa Fast Tracks ay makakakuha ng special VIP PASS para sa audition proper. Ito raw ang kanilang ticket sa "express lane" na ang ibig sabihin, ang audition nila ay naka-schedule na at hindi na nila kailangan pang pumila ng mahaba para mag-try out sa audition proper sa Manila, Davao and Cebu.

Narito pa ang ibang schedule ng Fast Tracks para sa Metro Manila at Luzon sa May at June: May 26 – SM Baguio; May 27 – SM Southmall (Las Piñas), SM Centerpoint (Sta. Mesa) and CSI Mall San Fernando (La Union); May 30 – SM Valenzuela; June 1 – SM Manila; June 2 – SM San Lazaro, June 3 – SM Batangas – June 4 – SM Sta. Rosa; June 5 – SM Marilao (Bulacan).
* * *
From My Inbox
Magandang araw po sa inyo. Madalas ko po na nababasa sa column n’yo tungkol sa paghahanap ng leading man ni Sarah sa launching movie niya. Fan po ako ni Sarah, may gusto lang akong i-suggest kung sino. Baka puwede si Gerald Anderson ng PBB Teen Edition.

Kahit yung ibang mga fans ni Sarah na kakilala ko, gusto rin nila na siya ang maging leading man ni Sarah sa movie niya.

Maraming salamat po. Sana siya ang kunin ng Viva para kay Sarah tutal talent rin naman si Gerald ng ABS-CBN saka wala pa siyang ka-loveteam.  Vanessa Vicente vanessa_vicente_00@yahoo.com

Show comments