^

PSN Showbiz

Cherie Gil, di pa napapanood si Angelika sa role na unang pinasikat niya

-
Nagulat ang ilang program managers ng GMA 7 nang mapanood si Gretchen Barretto at ang anak nila ni Tonyboy Cojuangco na si Dominique sa S-Files nung Linggo dahil ang pagkakaalam nila ay naka-hold ang guesting ni Greta sa naturang network.

Ang say sa amin ng isang ka-tsika naming bossing ng GMA  "Nagulat lang ako kasi ang alam ko, nagbaba ng memo na naka-hold muna ang guesting ni Gretchen until further notice, e, hindi ko alam baka okey na siya sa management.

"Kinukuha ko rin kasi siyang mag-guest sa show ko for Mother’s Day episode, e, sinabi nga na may memo, so dinedma na namin.  Kasi ang pagkakaalam ko, may nag-request daw sa management na huwag munang i-guest si Greta kasi hindi nagustuhan yata ‘yung latest interview niya sa Showbiz Stripped, few days before Raymart and Claudine’s wedding.

"Malamang okey na siguro kasi nakapag-guest na, eh.  At live pa," pahayag sa amin.

May sitsit sa amin na tila masama ang loob ng management ng Siete sa asawa ni Raymart dahil may pangako raw na hindi tinupad at ayaw pang sabihin sa amin kung ano ‘yun.

Anyway, bukas ang espasyong ito para sa both sides.
* * *
Hindi pala apektado si Ms. Cherie Gil sa isyung pinapa-pack up ni Kristine Hermosa ang taping ng Gulong Ng Palad kapag wala ito sa mood dahil nag-away sila ni Diether Ocampo.

Ang say ni Cherie, "Hindi ako kasama sa scene kung may nangyayaring ganu’n. Hindi niya kayang gawin sa akin ‘yun," paliwanag ng mataray na biyenan ni Tintin sa GNP.

Pawang magaganda ang sinabi ni Cherie kay Kristine dahil bukod daw sa maganda na ay magaling pa raw umarte at hindi naman daw nag-iinarte kapag sila ang magkasama sa set.

Samantala, hindi pa rin pala napanood ng original na Lavinia ang umeere ngayon sa ABS-CBN na Bituing Walang Ningning dahil wala siyang time, kaya naman hindi siya gaanong makapagbigay ng comment sa tanong na hindi siya napantayan o nalagpasan ni Angelika dela Cruz sa famous line nitong, "You’re nothing but a second-rate, trying hard copycat."

"I haven’t seen BWN, I haven’t met Angelika and I haven’t seen her act, so I am not in a position to comment about her," maganda niyang paliwanag.

As of now ay walang kasunod na offer sa kanya ang Dos kaya naman tinanggap niya ang offer ng Atlantis Production na Doubt, isang stage play na mala-The Da Vinci Code na gagampanan daw niya ang isang madre na magkakaroon ng kaugnayan sa pari.

Say naman ng director ng stage play na si Chari Arespacochaga, "I hope after watching The Da Vinci Code, they will also watch Doubt na ipalalabas sa RCBC Theater mula June 2 hanggang June 24.

"I only accept projects one at a time so I can give my best," sambit ng nag-iisang malditang aktres ng showbiz.
* * *
And speaking of Bituing Walang Ningning, totoo nga yata ang sinulat ng katotong Nitz Miralles na walang ningning ang ratings nito, aba’y hindi na nga impressive ang pilot rating nitong 29.7% last Monday ay bumaba pa ito last Tuesday sa rating na 27.4%.

Maging ang mga taga-Dos ay disappointed din sa rating na nakamit ng BWN dahil todo pa naman daw ang promo nila at hindi naman nila tinipid ang materyales dito.

Baka naman masyadong nakampante ang director na si Erik Salud dahil hanggang ngayon ay nasa cloud nine pa siya sa tinamong success ng Gulong ng Palad.  — Reggee Bonoan

vuukle comment

ANGELIKA AND I

ATLANTIS PRODUCTION

BITUING WALANG NINGNING

CHARI ARESPACOCHAGA

DA VINCI CODE

DAHIL

DIETHER OCAMPO

ERIK SALUD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with