Keempee, JC, basted kay Pauleen!

Pagkatapos mapanood si Pauleen Luna, sa Blue Moon ng Regal Entertainment, heto’t ginagawa niya, mula rin sa naturang kumpanya, ay White Lady, katambal ang dating manliligaw na si JC de Vera.

"I play the role of Pearl. Maganda ‘yung role ko rito and I find it very challenging, may pagka-dalagang Pilipina. Sa totoong buhay, bubbly, kikay ako, di ba?" sabi ni Pauleen. Napapadalas ang pagkikita ngayon nila ni JC dahil sa shooting ng kanilang pelikula. Hindi kaya manumbalik ang pagtingin sa kanya ni JC at muli siya nitong ligawan?

"Huh! Ganoon? "If ever na ma-realize niya na gusto pa rin pala niya ako at magparamdam siya ulit sa akin, I guests I will tell him na hanggang friends na lang muna kami. Kasi sa ngayon, hindi ko priority ang magkaroon ng boyfriend. Ang career ko talaga ang priority ko. Sasamantalahin ko muna hangga’t maraming trabaho at maraming blessings na dumarating sa akin. Sabi nga, strike while the iron is hot. Besides, I’m only 17. Sa tingin ko, hindi pa talaga ako ready to have a boyfriend. Siguro kung makakapaghintay siya, pag-21 or 23 na ako, di ba?"

Dating nanligaw din si Keempee de Leon kay Pauleen. Hindi nga lang ito sinwerte na mapasagot ang dalagang nililiyag. Ano nga ba ang dahilan at hindi niya nagustuhan ang binata ni Joey de Leon?

"Si Keempee, mabait naman siya. Hindi naman sa hindi ko siya nagustuhan. Kahit paano, nagustuhan ko rin naman siya dahil maganda yung pinapakita niya sa akin at sa parents ko.

"Kaya lang, as I’ve said, hindi pa ako ready to enter a serious relationship. Sinabi ko kay Keempee na maging magkaibigan na lang muna kami ngayon," paliwanag ni Pauleen. — Rommel Placente

Show comments