^

PSN Showbiz

Goodbye na ba sa Joross/Roxanne loveteam?

-
Namaalam na sa ere ang Gulong Ng Palad, saan kasama nito si Joross Gamboa. Nawala man ang nasabing soap ay magkakaroon naman ulit si Joross ng bagong show sa Kapamilya network. Kasama siya sa Rounin, isang action-drama series na ipalalabas na sa June.

"Nagpapasalamat ako sa ABS-CBN dahil hindi nila ako pinababayaan. Lagi silang may project na ibinibigay sa akin. Sana ay hindi sila magsawa sa pagsuporta sa akin at sa career ko," sabi ni Joross.

Sa Rounin ay hindi kasama ni Joross ang ka-loveteam niya at girlfriend na si Roxanne Guinoo pero umaasa siyang magkakasama ulit silang dalawa sa future project.

"Kaya hindi isinama si Roxanne ay dahil walang nababagay na role sa kanya. I believe na mabibigyan ulit siya ng bagong show ng ABS-CBN. At sana ay magkasama kami ulit sa isa pang show."

Kamusta na ba ang relasyon nila ni Roxanne?

"Ayon, going strong pa rin ang relasyon namin. Kung minsan, nagkakatampuhan na normal lang sa isang magkarelasyon, di ba?"

Aminado si Joross na kahit sila na ni Roxanne ay humahanga pa rin siya sa ibang babae.

"Hindi maiiwasang humanga ako o mag-appreciate ng beauty ng iba. Pero hanggang ganoon na lang ‘yun. Tumitingin na lang ako at hindi na lumalapit. — ROMMEL PLACENTE

vuukle comment

AMINADO

AYON

GULONG NG PALAD

JOROSS

JOROSS GAMBOA

KAMUSTA

ROXANNE

ROXANNE GUINOO

SA ROUNIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with