Sitcom sa alas-5 ng umaga?
May 16, 2006 | 12:00am
Isang magazine-sitcom ang mapapanood, ng live, sa UNTV-37 simula ngayong Sabado at Linggo, 5-7 NU.
Pinamagatang Kami Naman, mapapanood ito sa buong mundo at matangi sa mga hard news o seryosong balita na ibibigay nila ng seryoso ang mga showbiz news ay bibigyan nila ng kakaibang twists. Ihahatid ito nina Natasha Ledesma, Benny Andaya at Adjes Carreon.
Mayron ding sports news at weather report na ihahatid ng isang balikbayan sa pinaghalong Ingles at Tagalog para sa kapakanan ng mga kababayan natin sa ibang bansa.
Ang Kami Naman ay isang konsepto ni Daniel Razon na agad tinanggap ng Good Catch Entertainment sa pamumuno ni Jericho Depra nang iprisinta ito sa kanila ng magaling na news anchor dahil sa kakaiba nitong format. Si Angelito de Guzman ang magiging director ng show.
Ang iba pang host ay kinabibilangan nina Dinky Doo, Jr., Yoyoy Villame, Isko Bro. Pete Salvador, Selena Cortez, Monday Tan, Gema Gonzales, Ehlire Tan, Ryan Ramos, Rachel Aquino, Amor Talas, Dr. Mandy Saguin at Michelle Chan.
Isang samahan naman ng mga doktor, nurses at iba pang medical support team (PAGES o Philippine American Group of Educators and /Surgeons) na taunang bumibiyahe sa Pilipinas upang magsagawa ng libreng medical missions ay magsasagawa ng isang benefit concert na pinamagatang Side-Aid sa Mayo 20, 8NG sa Aliw Theater.
Ang konsyerto ay pangungunahan ng Side A band at iba pang panauhing mang-aawit. Tulad nina Basil Valdez, Agot Isidro at Rachelle Ann Go.
Ang kikitain ay magiging bahagi ng pondo ng PAGES para sa mga proyekto nito sa bansa.
Ang Side A ay binubuo nina Naldy Gonzales (keyboards), Joey Benin (base), Ernie Severino (drums), Leevon Cailao (lead) at Joey Generoso (vocals).
Proud si Emilio Garcia na lumabas siya sa sex issue ng Icon Mag, kasama sina Gardo Versoza at Richard Cepeda, bilang sikat na male sex symbol ng dekada ng dekada 90. Ang hunk na si Polo Ravales ang nasa cover ng nasabing isyu.
Sa kasalukuyan, napapanood si Emilio sa Now & Forever presents Duyan, sa ika-limang season nito bilang abusadong asawa ni Dawn Zulueta.
Nominado rin ito sa nalalapit na Star Awards for Movies para sa pelikulang Dilim.
E-mail: [email protected]
Pinamagatang Kami Naman, mapapanood ito sa buong mundo at matangi sa mga hard news o seryosong balita na ibibigay nila ng seryoso ang mga showbiz news ay bibigyan nila ng kakaibang twists. Ihahatid ito nina Natasha Ledesma, Benny Andaya at Adjes Carreon.
Mayron ding sports news at weather report na ihahatid ng isang balikbayan sa pinaghalong Ingles at Tagalog para sa kapakanan ng mga kababayan natin sa ibang bansa.
Ang Kami Naman ay isang konsepto ni Daniel Razon na agad tinanggap ng Good Catch Entertainment sa pamumuno ni Jericho Depra nang iprisinta ito sa kanila ng magaling na news anchor dahil sa kakaiba nitong format. Si Angelito de Guzman ang magiging director ng show.
Ang iba pang host ay kinabibilangan nina Dinky Doo, Jr., Yoyoy Villame, Isko Bro. Pete Salvador, Selena Cortez, Monday Tan, Gema Gonzales, Ehlire Tan, Ryan Ramos, Rachel Aquino, Amor Talas, Dr. Mandy Saguin at Michelle Chan.
Ang konsyerto ay pangungunahan ng Side A band at iba pang panauhing mang-aawit. Tulad nina Basil Valdez, Agot Isidro at Rachelle Ann Go.
Ang kikitain ay magiging bahagi ng pondo ng PAGES para sa mga proyekto nito sa bansa.
Ang Side A ay binubuo nina Naldy Gonzales (keyboards), Joey Benin (base), Ernie Severino (drums), Leevon Cailao (lead) at Joey Generoso (vocals).
Sa kasalukuyan, napapanood si Emilio sa Now & Forever presents Duyan, sa ika-limang season nito bilang abusadong asawa ni Dawn Zulueta.
Nominado rin ito sa nalalapit na Star Awards for Movies para sa pelikulang Dilim.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended