But in the case of Aga, sa mga commercial niyang almost everyday at every minute ay nakikita sa telebisyon at may print ads pa, talagang superstar ang dating niya sa paningin ng masa. At take note, mga commercials niya ay pang-wholesome, walang beer o sigarilyo kaya.
"Ayaw ko ng hard drinks talaga. Noon pa man, hindi talaga ako umiinom o nagyoyosi," sey ni Aga sa break ng taping ng Ok Fine Whatever kasama si Bayani Agbayani. Maingat siya sa katawan. Tumaba lang ng konti, worried na kaagad siya. At hindi naman maiiwasang tumaba, dahil masarap magluto ang lovely wife niyang si Charlene Gonzales. Taglay ni Charlene ang katangiang hinahanap ni Aga, ang pagiging mahusay magluto.
Hindi nga ba, may bakery shop pa sina Charlene at mommy niya, Elvie Gonzales noon. Bale ba, matakaw si Aga at talagang hilig ay kumain. Kaya lang, mismong si Charlene na ang umaawat sa asawa kapag nasosobrahan na. Baka nga naman tumaba si Aga, magkaproblema pa sa figure. Mabuti na lang, may katulong sila sa pagkain ng mga putaheng niluluto ni Charlene, ang kambal nilang sina Andres at Atasha. Malilikot na raw pareho ang kambal at makukulit na sa bahay. Katulad din niyang mapagmahal sa mga alagang ibon at aso sa bahay ang kambal nila. Mamahaling aso po ang mga alaga ni Aga at hindi yung mga asong askal lang.
Minsan nga, nasorpresa si Aga, noong dumating sa bahay nila ang isang mamahaling love birds na paborito niya na bigay ni Kris Aquino. Nalaman pala ni Kris na marami siyang alagang ibon kayat binigyan siya nito noong last birthday niya.
Close sina Aga at Kris, kayat happy si Aga na happy si Kris sa love niyang basketbolistang si James Yap. Nagkatambal na kasi noong araw sina Aga at Kris sa pelikula.
Ngayon, may gagawing movie uli sina Aga at Sharon Cuneta sa Star Cinema. Pinaghahandaan din ito ng mabuti ng actor. Matagal-tagal na ring hindi sila nagkakapareha after Kung Ako Na Lang Sana.
Tungkol sa pagdagsa ng mga baguhan, walang space ang anumang insecurities sa actor. Maganda nga raw at may bagong nabibigyan ng break. Hindi naman kasi forever sila sa showbiz.
Pana-panahon din yan. Ang maipapayo lang ni Aga, sana mahalin ng mga kabataang artista ang swerteng dumarating sa kanila. Katulad ng ginagawa niya ngayon. Kung hindi raw niya minahal ito, marahil, matagal na siyang wala sa showbiz. Vir Gonzales