Niño Muhlach, digital film direktor na!
May 15, 2006 | 12:00am
Apat na taon na pala ngayon ang aming inaanak na si Alessandro Martinno Muhlach, ang kaisa-isang anak ng estranged couple na sina Niño Muhlach at Edith Millare. Balik-Iloilo ang mag-inang Edith at Zandro.
Nandito lamang sila sa Maynila dahil bakasyon pa pero bago magpasukan ay balik sila ng Iloilo. Balik-iskwela rin si Edith. Nasa 3rd year college na ito ng Mass Communication sa Iloilo kung saan din nasa senior nursery naman si Zandro.
Maging si Niño ay nag-aaral ngayon ng filmmaking sa Asia Pacific Film Institute kung saan teacher niya sina Direk Marilou Diaz-Abaya at Lee Meily (asawa ni Direk Mark Meily). Katunayan, meron na siyang unang project, ang digital film na Basilio at Huli na siya rin mismo ang director-producer.
Ang Basilio at Huli ay inspired ng El Felibusterismo ni Dr. Jose Rizal. Ang pelikula ay naka-focus sa love affair nina Basilio at Huli na hindi gaanong na-play-up sa libro ni Dr. Jose Rizal.
Tampok sa naturang digifilm sina Amalia Fuentes, Efren Reyes, Conrad Poe, Mark de Leon, Jamie Dilidili, Ivan Camacho at iba pa mula sa panulat ni Jo Rayton Bautista. Si Nonong Buencamino naman ang namahala ng musical scoring.
Napanood namin ang full trailer ng pelikula at mukhang promising naman si Niño bilang director at cinematographer.
Samantala, sinabi sa amin ni Niño na hindi niya isinasara ang pinto ng muli nilang pagkakabalikan ng kanyang ex-wife na si Edith.
Ang romance-comedy movie na Kapag Tumibok Ang Puso.... Not Once But Twice na pinagbibidahan nina Bong Revilla, Aiai delas Alas at Precious Lara Quigaman kung saan naman ipinapakilala ang anak nina Bong at Lani Mercado na si Inah Revilla ay movie of many firsts.
Unang tambalan ito nina Bong at Aiai gayundin ang Bong at Lara. First movie din ito ni Inah Revilla. Unang beses ding nadirek ni Wenn Deramas ang actor-politician at first nina Direk Wenn, Aiai at Eugene Domingo pagkatapos ng Ang Tanging Ina. Unang movie rin ito ni Direk Wenn sa labas ng Star Cinema at ABS-CBN.
Hindi pa man naipapalabas ang pelikula ay halos nakakatiyak na si Bong na itoy tatangkilikin ng mga manonood.
"Matagal ko na talagang plano na makatrabaho si Aiai dahil natutuwa ako sa kanya. Hindi man natuloy si Gretchen (Barretto) sa pelikulang ito, sinuwerte naman kami na makuha ang serbisyo ni Lara. Natutuwa ako at pumayag siya," pahayag ni Bong nang kamiy dumalaw sa shooting ng pelikula sa may Pandacan, Manila.
Kung noong una ay ayaw pumayag ni Lara na magkaroon ng kissing scene sa pelikula, napahinuhod siya nina Direk Wenn at Bong dahil kailangan ito sa eksena lalupat mag-asawa ang kanilang role. Papayag ba naman si Bong na walang kissing scene sa pelikula?
Hindi naman makaporma si Bong kay Lara dahil kasama sa pelikula ang anak niyang si Inah. "Hoy, good boy ako!" biro nito sa amin.
Sina Julia Clarete at Ciara Sotto ang mga ispesyal na panauhin bukas ng gabi (Martes) sa Bahay Mo Ba To na tinatampukan nina Ronaldo Valdez, Tessie Tomas, Wendell Ramos, Gladys Reyes, Mike Pekto Nacua, Sherilyn Reyes, Keempee de Leon, Sunshine Dizon, Francine Prieto, Tiya Pusit at marami pang iba.
Lalapit si Charing (Ciara) kay Aling Bella (Tiya Pusit) at sasabihing ina niya ito at sabay aakapin. Ikagugulat naman ng lahat dahil wala naman silang nabalitaan na nabuntis at nanganak si Aling Bella kahit kelan.
Pero ibubuko ng isang videographer sina Auring at Charing. Sorosity members pala ang dalawa at ang lahat ng pinaggagagawa nila ay para sa initiation lang pala.
Nanghihinayang kami na malapit nang magpaalam sa ere ang sinusubaybayang reality based program ng GMA-7, ang Extra Challenge hosted by Paolo Bediones at Ethel Booba. May chance pa kasing masalba ang programa kung nanaisin lamang ng top management ng Kapuso network. Pero decided na silang patayin na ang programa at palitan ng panibago
Personal: Gusto ko pong ipaalam sa aming mga kamag-anakan at mga kaibigan ang pagyao ang aming pinakamatandang kapatid na si Praxedes Amoyo-Ibao. Siyay sumakabilang-buhay nung nakaraang Miyerkules (May 12) ng alas-8 ng umaga sa sakit sa puso. Ang kanyang mga labi ay nakaburol sa kanilang tahanan sa Baybay 1, Borongan, Eastern Samar at siyay nakatakdang ihatid sa huling hantungan sa Borongan Cemetery sa Mayo 22. Iniwaman ni Mana Seding ang kanyang mga anak na sina Rudy, Concep, Tessie at Anita, ang kanyang mga apo at mga kapatid na sina Dado, Melia, Estring, Meriam, Baby at Mario. Hiling namin ang dalangin para sa kapayapaan ng kaluluwa ni Mana Seding.
Email: [email protected]
Nandito lamang sila sa Maynila dahil bakasyon pa pero bago magpasukan ay balik sila ng Iloilo. Balik-iskwela rin si Edith. Nasa 3rd year college na ito ng Mass Communication sa Iloilo kung saan din nasa senior nursery naman si Zandro.
Maging si Niño ay nag-aaral ngayon ng filmmaking sa Asia Pacific Film Institute kung saan teacher niya sina Direk Marilou Diaz-Abaya at Lee Meily (asawa ni Direk Mark Meily). Katunayan, meron na siyang unang project, ang digital film na Basilio at Huli na siya rin mismo ang director-producer.
Ang Basilio at Huli ay inspired ng El Felibusterismo ni Dr. Jose Rizal. Ang pelikula ay naka-focus sa love affair nina Basilio at Huli na hindi gaanong na-play-up sa libro ni Dr. Jose Rizal.
Tampok sa naturang digifilm sina Amalia Fuentes, Efren Reyes, Conrad Poe, Mark de Leon, Jamie Dilidili, Ivan Camacho at iba pa mula sa panulat ni Jo Rayton Bautista. Si Nonong Buencamino naman ang namahala ng musical scoring.
Napanood namin ang full trailer ng pelikula at mukhang promising naman si Niño bilang director at cinematographer.
Samantala, sinabi sa amin ni Niño na hindi niya isinasara ang pinto ng muli nilang pagkakabalikan ng kanyang ex-wife na si Edith.
Unang tambalan ito nina Bong at Aiai gayundin ang Bong at Lara. First movie din ito ni Inah Revilla. Unang beses ding nadirek ni Wenn Deramas ang actor-politician at first nina Direk Wenn, Aiai at Eugene Domingo pagkatapos ng Ang Tanging Ina. Unang movie rin ito ni Direk Wenn sa labas ng Star Cinema at ABS-CBN.
Hindi pa man naipapalabas ang pelikula ay halos nakakatiyak na si Bong na itoy tatangkilikin ng mga manonood.
"Matagal ko na talagang plano na makatrabaho si Aiai dahil natutuwa ako sa kanya. Hindi man natuloy si Gretchen (Barretto) sa pelikulang ito, sinuwerte naman kami na makuha ang serbisyo ni Lara. Natutuwa ako at pumayag siya," pahayag ni Bong nang kamiy dumalaw sa shooting ng pelikula sa may Pandacan, Manila.
Kung noong una ay ayaw pumayag ni Lara na magkaroon ng kissing scene sa pelikula, napahinuhod siya nina Direk Wenn at Bong dahil kailangan ito sa eksena lalupat mag-asawa ang kanilang role. Papayag ba naman si Bong na walang kissing scene sa pelikula?
Hindi naman makaporma si Bong kay Lara dahil kasama sa pelikula ang anak niyang si Inah. "Hoy, good boy ako!" biro nito sa amin.
Lalapit si Charing (Ciara) kay Aling Bella (Tiya Pusit) at sasabihing ina niya ito at sabay aakapin. Ikagugulat naman ng lahat dahil wala naman silang nabalitaan na nabuntis at nanganak si Aling Bella kahit kelan.
Pero ibubuko ng isang videographer sina Auring at Charing. Sorosity members pala ang dalawa at ang lahat ng pinaggagagawa nila ay para sa initiation lang pala.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended