^

PSN Showbiz

‘Panday’ na, ‘Pacquiao’ pa!

-
Mabigat ang papel ngayon sa pelikula ni Jericho Rosales, Panday na, Pacquiao pa. Problemado si Echo dahil kailangang ipakita niya sa bayan, na pwede niyang i-portray ang mga roles na magkaiba.

Parehong idol ng masa ang dalawa. Sa Panday mala-FPJ siya. Bagay na naipakita niya sa TV, directed by Toto Natividad. Sa Pacquiao si Joel Lamangan ang nagturo sa kanyang maging boksingero.

"Nagpapasalamat nga ako. Sa dalang ng pelikula ngayon, mabibigat pang roles itong naibigay sa akin," kwento ni Echo.

Hindi naman niya binabalewala ito. Dibdiban ang pagbibigay niya ng atensyon sa dalawang magkaibang papel.

Noon palang buhay si FPJ, type nitong makasama sa movie si Pacquiao. Kaso nga lamang, nakamatayan niya ito. Mahilig kasi sa boxing si FPJ.

Noong nasa probinsya pa si Echo sa Bikol, mahilig na siya sa boxing pero, naagaw siya ng showbiz kundi siya nanalong Mr. Pogi sa Eat Bulaga, baka boksingero siya ngayon. — Vir Gonzales

BAGAY

BIKOL

DIBDIBAN

EAT BULAGA

JERICHO ROSALES

JOEL LAMANGAN

MR. POGI

PACQUIAO

PANDAY

TOTO NATIVIDAD

VIR GONZALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with