^

PSN Showbiz

Naagaw man ni Sam si Toni, andyan naman si Anne para kay Luis!

-
Ang pagiging sobrang busy ni Toni Gonzaga ang ibinigay na dahilan ni Luis Manzano kung bakit hindi na siya nagtuloy sa panliligaw sa dalaga.

"Masyado siyang naka-focus sa career niya, kulang na lang, pati Sunday mass, i-host niya," pabirong sabi ng binata nina Chairman Edu Manzano at Mayor Vilma Santos.

"Seriously speaking, we’re both busy, siguro darating din ang time and I’m happy because we’re good friends," dagdag pa.

Pero naunahan naman siya ni Sam Milby na kailan lang nanligaw kay Toni?

"I am happy for both of them and it’s pretty obvious that they really like each other," mabilis ding sagot ng love interest ni Anne Curtis sa All About You na handog ng Star Cinema ngayong May 31.

Smiling face ang actor cum tv host kaya hindi mo alam kung nasasaktan ba ito dahil binasted siya ni Toni, pero baka nga hindi siya affected dahil ang kamuntik niyang naging girlfriend noong hindi pa siya artista ay loveless ngayon at posibleng maging sila one of these days, si Anne.

"Oh, well, who knows. But as of now, we’re very good friends, ibang level na ang friendship namin ni Anne," sagot naman ni Luis.

Hindi maipaliwanag ng binata kung bakit twice na naudlot ang pag-iibigan nila ni Anne, pero ang pagkakaalam niya, kapag may problema ang dalaga, siya ang unang tinatawagan, a shoulder to cry on.

Maging sa break-up nila ni Paolo Araneta ay si Luis ang tumulong sa aktres na maka-move on, "I always make it a point that at least once a day, pinatatawa ko siya," katwiran pa.

Samantala, hindi ang pagiging dramatic actor ang dream ni Luis dahil obviously, hindi naman daw siya mahusay sa drama kundi sa comedy.
* * *


Sikat na talaga ang Little Big Stars na sina Makisig Morales, Kyle Balili, Mica Roi Torre, Charice Pempengco at ang grand champion na si Sam Concepcion dahil bukod sa may mga kanya-kanya silang tv projects ay inihahanda na rin ang kanilang album.

Ang limang bagets ang kumanta ng mga awiting nakapaloob sa audio/vcd/dvd na Little Big Deeds ng Star Records.

Ang Little Big Deeds ay ang local version ng mga pinapanood ng mga bagets na Sesame Street, Dora Explorer, Spongebob Squarepants at iba pa.

Katwiran ng nag-conceptualized ng naturang video ay bakit puro na lang foreign ang napapanood ng mga bata at nabibili sa malls, bakit hindi subukang gumawa ng sariling atin na kayang-kaya naman dahil ang mga animators na gumawa ng mga foreign 3D cartoons ay pawang Filipino kaya kinuha nila ang serbisyo ng mga ito at ang local version nga ay ang mga character na sina Haring Kalasyaw, Lea Langgam, Pepita Pipit, Haring Agila, Doc Kuneho, Bing Kambing, Bubby Bubuyog at Diwata Ruby.

Ang naturang grupo rin ang responsible sa pagiging platinum hits ng "Jollibee lesson 1, 2 and 3". — REGGEE BONOAN

ALL ABOUT YOU

ANNE CURTIS

BING KAMBING

BUBBY BUBUYOG

LITTLE BIG DEEDS

LUIS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with