Dahil sa dami ng endorsement, may panggastos na hanggang college ang anak nina Julius at Tintin!

Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na balik sa bahay ni Ricardo Cepeda ang dalawa nilang anak ni Snooky Serna na sina Samantha at Sachi?

Kamakailan lang na-annul ang kasal ng estranged couple na sina Ricardo at Snooky pero agad nakatagpo si Snooky ng kapalit ni Ricardo sa katauhan ni Niño Mendoza na agad niyang pinakasalan kahit bago pa lamang silang magkakilala. 

Kung balik sina Sam at Sachi sa poder ng kanilang ama (Ricardo), umalis na rin kaya kay Snooky ang kanyang inang si Mila Ocampo at iba pang kamag-anakan para mabigyan ng privacy ang bagong kasal?
* * *
Nagkaroon kami ng intimate birthday dinner sa Wok ‘ N Stix sa may Tomas Morato in Quezon City nung nakaraang Miyerkules ng gabi and guess kung sino ang pinaka-una naming well-wisher na dumating?  Ang one-year-old baby ng mag-asawang Julius at Tintin Bersola-Babao na si Antonia! 

Since may TV Patrol pa si Julius at may ibang commitment naman si Tintin kay Dra. Vicki Belo, pinauna na ng mag-asawa si Antonia (na aming inaanak) kasama ang yaya nito.

Sobra ang pagka-hyper ni Antonia na in-demand ngayon sa iba’t ibang product endorsements. Ni-renew ang kanyang EQ diaper endorsement.  Nariyan pa ang Aqua Soft water at Nestle at nung nakaraang Miyerkules ay muling pumirma ang mag-asawang Julius at Tintin ng bagong endorsement ni Antonia na isang baby’s clothes line.

"May panggastos na si Anya (palayaw ni Antonia) hanggang college," biro ni Tintin na nakapagbawas na ng 30 lbs. sa kanyang timbang.
* * *
Isang Filipino friend from Guam ang nagkwento sa amin na tulad sa mainland America, marami na ring mga concert producers sa Guam ang nalugi dahil hindi kumikita ang mga concerts doon ng mga Pinoy. Noong isang taon lamang, isang producer ang nagbenta ng kanyang bahay para mabayaran lamang niya ang talent fee ng isang sikat na sikat na actress- singer.  Sa laki ng production cost na pinangunahan ng singer-actress, hindi nasambot ng producer ang kanyang puhunan kaya wala siyang choice kundi ibenta ang kanyang bahay.  May alam din kaming concert producer na hinila ang sasakyan dahil sa malaking pagkakautang nito sanhi ng pagkakalugi ng produced concert nito.

Maliit lamang ang Guam at madaling kumalat sa buong community kung successful o lugi ang isang concert doon. Marami na ring mga Filipino artists na nagtutungo ng Guam ang hindi nababayaran ng kanilang mga producers na nangyayari din naman sa ibang bansa maging dito sa Pilipinas.

Naging witness din kami minsan sa pagkalugi ng isang major concert na ginanap sa University of Guam Fieldhouse na tinampukan ng dalawang sikat na mga mang-aawit na parehong laki ng Amerika.  Wala pa sa 50% seating capacity ang dumating na tao at naawa kami sa producer dahil kitang-kita ang pagkalugi nito.
* * *
E-mail: a_amoyo@pimsi.net

Show comments