Nakita nga namin iyong isang study, binayaran ng Museum of Natural History ang isang dinosaur skeleton, na pinaniniwalaang siyang pinaka-kumpletong nakuha, nang mahigit na $8M noong 1992. Sila ang magtatago noon at magbubukas ng exhibit sa publiko, pero ang ilang malalaking kumpanya na nag-donate ng pera para mabili yon, kabilang na ang food chain ng McDonalds ay binigyan din ng plaster copy ng skeleton para sa kanilang sariling exhibit.
Dito sa ating bansa, bubuksan ang exhibit na tinatawag nga nilang Dino Island Park. Mayroon ding isang skeleton ng Tyranosaurus Rex, itinuturing na siyang pinakamalaking carnivorous dinosaur na bubuksan sa publiko, for the first time sa ating bansa. Yan palang Dino Island na yan ay mas malamang ngang educational dahil sa mahigit na dalawamput pitong fossils, at mga dinosaur skeletons na sa kauna-unahang pagkakataon ay makikita dito sa atin.
Dati ang mga yan ay makikita lamang sa Smithsonian Library and Museum sa Washington DC, kung saan nakalagay ang lahat halos ng mga fossils at skeletons ng mga dinosaurs.
Yong mga darating naman dito ay yong mga nakuha mula sa ibat ibang bansa, kabilang na ang China, kung saan sinasabi nilang may pinakamaraming dinosaur fossil deposit sa buong Asya.
Mula naman sa Korea ay darating ang mga robotics kung saan nabuo nila ang mga dinosaur figures na tila nabuhay, gumagalaw, humihinga at nagbubuga pa ng usok ang iba. Talaga palang isang malaking educational at entertainment venture itong dinala rito sa atin ng Fun Fair Ventures at ng Human Tech Company ng Korea.
Pagbalik niya mula sa Middle East, magkakaroon naman ng remote telecast ng kanyang show mula sa Clark Field sa Pampanga. Hindi ba talagang bongga ngayon si Kuya Germs?